4 pm na nang maisipan naming umuwi .. nagsawa narin kami maglaro kaya napagdesisyonan na naming umuwi .. hindi na kasi ako pumayag nung sinabi ni bestie na magwindow shopping kami ..
hindi ko na kasi kayang tiisin yung sakit nung paa ko ..
naglakad na kami pauwi .. tahimik lang ako noon .. nahuhuli pa nga ako sa paglalakad .. kasi nga di ba masakit yung paa ko ..
napansin ko namang tumitingin sakin yung tatlo kaya nginingitian ko nalang sila .. alam ko namang nakakahalata na sila na may mali sakin kasi ang tahimik ko at nahuhuli pa ko ..
nung liliko na kami nag paalam na si jeremy .. sa iba na kasi yung daan niya .. nagwave naman kami sa kanya ..
magkakasabay na kami maglakad nun .. tumigil sila kanina kaya naabutan ko sila ..
"uy bestie .. okay ka lang ? kanina ka pa tahimik dyan .." napatingin naman ako kay bestie ..
"okay lang ako .. napagod lang siguro" nakangiti kong sabi sa kanya .. nakatingin lang samin si bryan ... tumingin siya sa paa ko at saka lumapit .. napaatras naman ako nung tumalikod siya at umupo sa harapan ko ..
ano bang ginagawa niya ?
muntik pa kong matumba dahil sa pag atras ko kaya napatuon ako sa likod niya ...
"bakit ka ba bigla nalang uupo dyan .. di mo na ba matiis yan at dito mo pa talaga sa kalsada ilalabas ?? kadiri ka ha .. sa harapan ko pa talaga .." sabi ko naman sa kanya .. binibiro ko lang naman .. hahahaha .. para kasi syang tatae eh .. haha
tumingin naman siya sakin ng nakakunot ang nuo ..
oh oh .. bad joke .. ang sama nanaman makatingin .. haaayyy napaka kj talaga nito ..
"sumakay kana .. dalian mo baka magbago pa isip ko" sabi naman niya ng hindi na sakin nakatingin ..
huh ??
ano daw ??
sasakay ? saan ? sa likod niya ?
ayaw ko nga .. ano bang pinagsasabi niya ..
ako ?? sasakay sa likod niya ??
no no no .. di pwede .. baka tsansingan lang niya ko nuh ..
tska nakakahiya parin kasi 40 kilos din ang timbang ko .. baka mabalian pa siya ng buto .. ako pa sisihin niya .. malayo layo pa ang lalakarin namin eh ..
'kahit sobrang sakit na ng paa mo ??' tanong naman ng papansing bahagi ng utak ko ..
che .. kaya ko pang tiisin nuh ... kaya no parin ako ..
'kahit na iwan ka na nila dito dahil sa sobrang bagal mo maglakad ?' tanong parin ng papansing bahagi ng utak ko ..
papansin talaga to .. kaya ko namang maglakad ng mag isa .. *pout* kaya ko naman talaga kung hindi lang masakit paa ko eh .. huhu ..
nakatingin parin ako sa likod ni bryan ... parang ang sarap ngang sumakay sa likod na yan .. mukhang ang bango pa ng batok niya ..
bigla naman siyang humarap sakin at nahuli akong nakatingin sa likod niya .. napaiwas naman ako ng tingin ..
aissshhh .. ang init ng mukha ko ..
ano ba naman kasing kamanyakan ang pinag iisip ko eh ..
bigla namang hinawakan ni bryan ang kamay ko at hinila kaya napatumba naman ako sa likod niya ..
"ang bagal mo .. nangangalay na paa ko eh" sabi niya at saka tumayo .. kaya napayakap naman ang braso ko sa leeg niya para di mahulog .. humawak naman siya sa may tuhod ko .. namula nanaman ako ..
ano ba yan ..
"luwagan mo naman ang kapit mo sa leeg ko .. hindi na ko makahinga eh" sabi naman niya ,napabitaw naman ako kaya muntik na ko mahulog buti nalang at nahawakan ako ng mahigpit ni bryan ..
tumingin naman siya sakin .. since nasa likod niya ko eh nakaside view lang siya ..
"sabi ko luwagan hindi ko sinabing bumitaw ka .. napakaclumsy mo talaga" ayan galit nanaman siya *pout* napayuko nalang ako ..
hindi ko naman sinabing buhatin niya ko eh .. sungit talaga nito ..
kumapit nalang ako sa balikat niya .. baka masakal ko nanaman siya magalit nanaman ..
nagsimula na siyang maglakad .. nakatingin lang ako sa kanya ..
kahit pa palagi niya kong inaasar at palagi siyang nakasigaw sakin .. hindi ko pa rin maiwasang isiping nagcacare parin siya sakin .. at napapatunayan ko yun sa mga pagkakataong tulad nito .. napangiti nalang ako ..
after 5 min ..
haaaay nakakaantok naman .. para akong dinuduyan ..
papikit pikit na ang mata ko kaya napabitaw naman yung isang kamay ko sa balikat niya ... napatigil naman siya at lumingon ulit sakin .. napansin niya yatang inaantok na ko .. kaya napamulat agad ako ng mata at ibinalik yung kamay ko sa balikat niya ..
di parin siya nagpatuloy sa paglakad .. nauuna na nga si bestie eh ..
nagulat nalang ako nung kinuha niya yung kamay ko sa balikat niya at iniyakap niya sa may leeg niya kaya napalapit naman yung ulo ko sa may batok niya .. ang bango .. hehe ..
" sumandal ka na .. baka makabitaw ka" sabi naman niya at nagpatuloy na sa paglalakad .. hindi ko na inalis yung kamay ko sa leeg niya at ikinapit ko pa yung isang kamay ko ..
sumandal ako sa likod niya ..
inaantok na talaga ako ..
*yawn*
pumikit na yung mata ko .. mababaw palang yung tulog ko dahil naririnig ko pa ang pinag uusapan nila ..
"andito na tayo .. panu yang nasa likod mo .. tulog na yata"- bestie
"may tao ba dyan sa bahay ng tita niya " -bryan
" wala yata .. may susi naman siya eh .. ipasok mo nalang siya .. kukunin ko lang yung susi sa bag niya"- bestie at naramdaman ko namang may kinuha siya sa bag ko na nasa likod ko .. antok na talaga ako ang hirap ng imulat ng mata ko kaya hinayaan ko nalang sila ..
naramdaman ko nalang ang sarili kong dahan dahang inihihiga sa kama .. at narinig ko pang hinihingal na bumulong si bryan ..
"ang bigat mo" hindi siya pagalit .. pakiramdam ko nga nakangiti siya ng sinasabi niya yun .. di ko na pinansin kasi unti unti na kong nilalamon ng antok .. at bago pa ako tuluyan makatulog .. naramdaman kong may malamig na inilapat sa may ankle ko .. lalo naman akong nahimbing dahil unti unting nawawala ang sakit ng paa ko ..
ang sarap sa pakiramdam nung malamig na bagay na yun na nakalapat sa paa ko .. pinamamanhid nito ang paa ko at wala na kong maramdaman na kirot .. at nakakaginhawa rin ang marahang paghaplos ng mainit na palad sa paa ko .. hmmm ..
tuluyan na akong nakatulog at hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko ..
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Teen FictionJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...