Bandang tanghali umahon narin ang mga kasamahan namin para maghanda ng kakainin ..
"Bestie, pwede bang mamaya nalang tayo pumunta doon ? Gusto ko pa sana maligo eh"
Haayyysss masakit na paa ko eh .. Si bestie talaga .. Nakwento niya kasi sakin na hindi sila madalas pumunta ng dagat kaya sabik siya sa tubig dagat .. Paano ko naman to matatanggihan kung ganitong nagpapacute na ..
aww
"Oo na sige na"Pumayag na ako agad .. Baka kasi pag tinagalan ko pa , masuka na ko eh .. Haha .. Ang pangit bestie .. Wag mo na uulitin , di bagay .. Haha
"Yeeyyy thank you muah muah "
" che , pero pupunta narin tayo doon maya maya ha , tayo nalang ang tao dito eh , alam mo namang hindi tayo parehas bihasa sa paglangoy" napaisip naman ako sa sinabi ko .. Actually hindi naman talaga siya marunong lumangoy totally . haha .. Atleast ako marunong kahit papano .. Hehe .. Pero hindi ko na sasabihin .. Baka magpout pa .. Matuloy na yung pagsuka ko .. Haha
"Opo nanay " gosh nagpapuppy dog eyes pa talaga .. Yuck .. Hahaha
Aaahhh ... Ang sakit na talaga ng paa ko .. Kanina pa kasi kami sa tubig. . at kanina parin nakatayo .. Kailangan ko na talagang umahon .. Baka pulikatin na ko eh ..
Pero paano si bestie ?
Haist .. Ang saya saya pa naman niya ..
"Bestie , pwede bang dun na muna ako sa buhangin ? Masakit na kasi paa ko eh .. Pero wag kang lalayo ha, malulunod tayo pareho"
Pakiramdam ko para akong may alagang baby damulag .. Hahaha
" paano ka naman malulunod eh iiwan mo nga ako dito" nakapout niyang sabi ..
Tingnan mo to .. Nagdrama pa .
" pupunta lang po ako sa may buhangin para umupo, baby damulag ko, malapit lang po" sarcastic ko namang sabi ..
" oo na, sige na mommy, Alam ko namang nirarayuma kana .. Matanda ka na kasi eh "
Aba talagang ..
Haaayyss ewan bahala nga siya , uupo na ko , masakit na talaga paa ko eh ..Naglakad na ko papunta sa may buhangin at umupo .. Pinanuod ko lang siya maglangoy .. Enjoy talaga siya hehe ..
Nagsulat nalang ako sa buhangin habang minamasahe ang paa ko .. Medyo ok narin naman..
"Bblubesblubtie"
Napalingon ako kay angeline ..
Napatulala ako habang nakikita ko siyang pinipilit itaas ang ulo sa tubig .. Saka lang nag sink in sa utak ko na malayo na ang narating ni bestie at unti unti na itong lumulubog ..Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko habang Dali Dali akong tumayo tumakbo palapit kay Angeline .. Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya sa takot na mawala na siya sa paningin ko at tuluyan nang lumubog ..
" BESTIE! BESTIE ! BRYAN ! JEREMY! TULUNGAN NIYO KAMI" nagawa ko pang sumigaw habang tumatakbo ..
Nang nakarating na ko sa tubig , bago pa ako makalangoy ay may taong nakasagi sa akin at dali daling lumapit kay angeline ..
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hawak na ni bryan si bestie .. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko at kamay .. Nanghihina akong napaupo ..
Napahawak naman ako sa mukha ko .. Umiiyak pala ako .. Hindi ko namalayan ..
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko .. Naiiyak ako .. Natatakot ako .. Alam ko sa sarili ko na may pag aalinlangan ako kanina na lumangoy papunta kay angeline .. Kasi alam ko na hindi ko kaya .. Naiiyak ako kasi naiinis ako sa sarili ko .. Pakiramdam ko napakaselfish ko kasi mas inisip ko pa yung kalagayan ko ..
Naramdaman ko namang dumaan sa gilid ko si bryan .. At buhat buhat niya si bestie kaya napatayo naman ako agad ..
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Teen FictionJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...