kahit may idea na ko kung sino tong nagtext .. tinanong ko pa din .. malay mo mali pala ako di ba ..
to: 09468594***
sino ka ??
send
ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa bag ng muli itong tumunog kaya tiningnan ko na at binasa ..
from : 09468594***
di aq sinuka
hmp .. di nalang sabihin pangalan eh .. andami pang kaartehan .. nireply ko naman
to: 09468594***
eh ano ka itinae ?? andami mo pang arte ... ayaw mo pa ng galing sa bunganga .. gusto mo pa nanggaling sa pwet ..
sino ka nga kasi ??
send
nakakainis talaga tong lalaking to ..
kahit sa text pinapainit nya ang ulo ko eh ..
nagreply din naman sya kaagad ..
from: 09458594***
hahahahahahaha .. naka2tawa ka tlga ..
si bryan to
ha ?? sinong bryan ?? may kilala ba akong bryan ?? wala naman akong classmate na bryan ang pangalan ah ... de joke lang .. hehe ..
to: 09468594***
cnung bryan ??
wla aqng kilalang bryan ..send
hehe kunwari lang yun .. alam ko naman na si kuya to ..
so bryan pala ang pangalan nya .. hahahaha ..
from: 09468594***
aq to .. ung hnila mu nung enrollment .. at ung nakakita saung nang iistalk kay jeremy
wow naman kuya .. grabe ang description ha ..
pwede namang 'ako to yung kaibigan ni jeremy' o kaya naman 'ako to yung new friend m' ..
ganon lang kasimple eh pinahaba pa nya ... hindi naman na kailangang sabihin pa lahat ng ginawa ko ..
nang aasar lang tong si kuya eh ... kuya na bryan pala ang pangalan .. tsk tsk ..
to: 09468594***
alam q nmn ung gnwa q .. d m na kelangan ipaalala .. hmp
send
at nag usap lang kami nang nag usap sa text .. kung anu ano lang naman pinag usapan namin .. mga walang kwentang bagay .. tulad nalang nung kung sino ang mas deserving maging bayani .. kung si jose rizal ba o si andres bonifacio ..
pinag awayan pa namin yan eh kasi sabi nya mas deserving daw si andres bonifacio kasi sya yung nalipaglaban para sa kalayaan tapos pinatay pa daw ng kapwa pilipino ..
pero syempre hindi naman ako nag patalo .. aba si rizal na ang bayani eh .. magrereklamo pa ba sya .. sige pumunta sya sa malacañang at sabihin nya yung panig nya ..
aywan ko lang kung pakinggan sya ni pnoy .. haha
nalaman ko rin na civil engineering pala ang course nya at classmate nya si jeremy ..
so ibig sabihin civil engineering din ang course ni jeremy .. at A pala ang block nila ..
parehas pala kami pang umaga eh .. ayos !
nalaman ko rin na yung nasa may dulo pala ng CEIT building ang classroom nila ..
yung room na hindi na namin natingnan ni angeline kanina kasi nga di ba .. nag aalboroto na yung tyan namin at kelangan nang bahugin yung anaconda sa loob .. hehe
di bale na nakita din naman namin sila sa canteen kanina .. feeling ko meant to be talaga kami ni jeremy ..
nagparatatanong naman ako about kay jeremy .. at ayun nga nainis sakin .. ang kulit ko daw .. hindi na sya nagreply ..
pero dahil nga makulit ako ..
kahit hindi sya nagreply eh nagtext parin ako sa kanya ..
nakalimang send nga ako eh .. kasu mukhang balak talaga nyang isnabin yung messages ko kaya ayun wala paring reply ...
hay naku .. asar talaga yun ..
tinigilan ko na rin ..
nagbihis na ko ng pambahay at nanuod nalang ng showtime ..
tawag ng tanghalan na kasi eh ..
at mahilig ako manuod nun .. ang gagaling kasing kumanta nung mga sumasali eh ...
mahilig din ako kumanta .. sabi nga nung classmate ko maganda naman daw ang boses kaya bakit hindi ko daw ilabas sa banyo .. baka daw kasi mastock na sa banyo at bumaho .. hahaha .. loko yung kaibigan kong yun eh .. alam kasi nya na lagi akong kumakanta habang naliligo .. hehe ..
nung mga 3:30 na eh nilipat ko naman yung chanel sa hero ..
koruko na kasi .. hehe ang cute talaga ni tetsuya ..
nung tinamad na akong manuod kasi tapos na rin naman yung koruko's basketball kaya nagbasa nalang ako ng story sa wattpad ..
ang ganda kasi nitong montello high eh .. kahit ilang beses ko nang nabasa .. di parin ako nagsasawa .. pati na rin yung crisscross .. hehe ..
nung gabi nagtext naman ulit si bryan .. pero gm na lang ..
nag good eve lang naman .. syempre nireplayan ko .. at kinulit ulit .. hehe ..
magkatext kami hanggang sa makatulog na nga ako ...
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Novela JuvenilJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...