chapter 5: postponed ??

158 4 0
                                    

and for the second time this day .. natisod nanaman ako sa bespren kong bato ..

sobra sobra nang kahihiyan yung kanina .. at mas malala ngayon .. kasi sa harapan pa daw ba ng CRUSH ko ..

nakakainis ka naman kamalasan ka eh .. bakit ngayon mo pa ko sinalakay ?? .. bakit ??

pwede namang bukas o sa susunod na araw .. wag lang ngayon sa harap ni jeremy ..

napatingin sakin yung dalawa ..

sobrang init ng mukha ko .. naiimagine ko ang mukha kong para nang kamatis sa pula ..

" ikaw nanaman ?? jeremy sya ------"
nanlaki ang mata ko at napalingon kay kuya .. atat talaga syang ibuking ako ..

grabe sya moment ko ito eh .. sakin hindi sa kanya .. pero kung makasingit naman sya kala mo sya yung bida ..

bakit sya ba yung natisod ?? ha?? sya ba yung napahiya ?? ha ?? sya ba ha ? sya ba ?? hindi naman di ba ?? ako yun eh .. AKO ..

nakakainis talaga tong lalaking to

kaya bago pa nya matapos yung sasabihin nya ay hinila ko na sya paalis ..

tumakbo lang ako ng tumakbo ng tumakbo ng tumakbo .. de joke lang .. nakakapagod naman yan .. tumakbo lang hehe .. hawak ko parin ung wrist nya ..

pulso ha hindi kamay .. wag kayong assuming ..

nakarating kami sa student park at saka ko sya binitawan ..

kinakabahan ako .. hindi ko alam kung anong sasabihin ko ..

sasabihin ko na ba agad yung kailangan ko ??

o mapaligoy ligoy muna ko ??

" bakit mo ba ko dinala dito ?? ano bang kailangan mo ??" tanong nya sakin na nakakunot ang nuo ..

sabi ko nga eh dederetsahin ko na .. napakasungit naman ..

ipinanganak ba to sa sama ng loob ?
lagi nalang nakakunot ang nuo at salubong ang kilay eh ..

sayang kagwapuhan kuya ... ngiti ngiti din pag may time ha ..

"ah kasi .. uhmm .. ma--- ah may" anu ka ba naman angie .. kung mautal ka naman para kang nanliligaw ... -_-

pero di ba parang ganun naman talaga yung gagawin ko .. huhuhu ..

"parang alam ko na kung bakit .." sabi nya ng nakangisi ..

nakakainis yung ngiti nya .. alam ko gwapo sya .. mas gwapo nga sya kaysa kay jeremy eh .. pero dahil crush ko si jeremy .. mas gwapo sya para sakin .. hihihihi landiii ...

ok back to business tayo

pero talaga nakakainis yung ngiti nya ..

kung wala lang akong kailangan sa kanya .. baka dumapo na kamao ko sa nakakainis nyang mukha ..

pero dahil sa katotohanang ako ang may kailangan ..

hmp ok payn

ngiti lang angie .. kaya mo yan .. sa kanya nakasalalay ang katuparan ng love story nyo ni crush sa imagination mo ..

at hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman nya ang itinatago mong pagkabaliw sa kanya .. wew lalim eh

ok lang yan .. konting panahon nalang ang hihintayin mo .. mawawala narin ang mga pimples mo sa batok dahil masasabi mo na rin sa kanya ang nararamdaman mo ...

pero hindi pa yun ngayon kaya ngiti muna sa bwisit na nasa harapan mo ..

" ah alam mo na pala eh .. hehe pwede namang satin satin nalang yung nangyari di ba ? alam ko naman na mabait ka eh .. please naiintindihan mo naman ako di ba ? feeling ko naman magkakasundo tayo .. pareho tayong mabait .. pwede tayong maging magkaibigan .. you know .. friend na nagkekeep ng secret ng isat isa.." todo ngiti pa ko habang sinasabi ko yan .. sana naman hindi nya mahalatang napakafake ng ngiti ko..

" hahahahahahahahahahaha " wow ha .. ansaya mo kuya ha .. buti ka pa masaya ..

-_-
" anung nakakatawa??" inis kong sabi habang nakatingin ng deretso sa kanya .. napatigil naman sya at napatingin sakin ng seryoso ..

patay .. ano ba naman angie ang ginawa mo .. baka napikon sa tanong mo .. baliw ka talaga .. panu kung magalit yan sayo at hindi pumayag sa gusto mo ..

naku naman .. di talaga ako nag iisip

"ang ibig kong sabihin .. bakit ka tumatawa??" .. malumanay ko nang sabi at muling ngumiti ng napakapeke ..

" hahahahaha" tumawa nanaman sya ulit .. hindi nalang ako nagreact at hinintay ko nalang syang matapos tumawa .. baka mapikon nanaman eh ..

after 5 min. eh natapos din naman sya sa wakas .. tumingin na sya sakin .. ako naman nakangiti parin pero hindi na yung todo .. nauubos na rin kasi pasensya ko eh ..

"wag kang ngumiti kung ayaw mo .. yung mukha mo kasi parang matatae .. haha .." napatingin naman ako sa kanya ng masama .. ang yabang talaga nito .. "at nasasakin na kung sasabihin ko ba kay jeremy yung tungkol sayo o hindi .. pero dahil nakiusap ka at sinabi mong mabait ako haha ... sige ipopostpone ko muna ang pagsabi sa kanya.." sinasabi nya yan habang nakatalikod at nakapamulsa .. nagsimula na syang maglakad pabalik sa may bench .. itinaas naman nya yung kamay nya .. yung parang kumakaway .. kala ko nga kung sino yung kinakawayan nya eh .. kaya sinilip ko pa kung may tao nga sa harap nya .. pero wala naman ...

kaya inassume ko nalang na ako yung kinakawayan nya ..

ipopostpone ?? ok na rin siguro yun .. at least hindi ngayon .. may pagkakataon pa kong gumawa ng move para mapalapit kay crush ..
:)))

bumalik na ko kung san ko iniwan si angeline .. andun parin sya sa may bench . .. pero sila jeremy wala na .. nagtanong naman si angeline kung anung nangyari .. at syempre kinuwento ko na lang din sa kanya ..

hay naku tulad ng inaasahan ko .. pinagtawanan nanaman ako .. *pout*

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon