1 week na akong pumapasok sa school at 1 week na rin after nung kamalasang nangyari sakin ..
1 week na nakakalipas at di ko parin mahanap kung saan ang room ni jeremy .. ang block o kahit course nya hindi ko alam ..
nag stalk ako sa facebook nya pero wala pa syang ipinopost na bago .. ang pinakalatest nyang post ay nung graduation pa namin nung high school ...
at 1 week ko na syang di nakikita .. huhuhuhu miss ko na sya ..
lagi ko ngang tinitingnan yung picture nya sa wallet ko eh .. pinagdikit ko kasi picture namin nung JS Prom nung 3rd yr high school .. pinapicturan ko lang sya sa ate ko .. hehe
nandito ako ngayon sa classroom namin .. regular classes na kaya andito na kami at naghihintay ng prof ..
"wala pa daw tayong prof sa psychology !" announce nung president namin ..
tuwang tuwa naman ang mga classmate ko at nag yes pa .. syempre wala nang pasok eh .. umingay naman sa classroom kasi naghahanda na silang umalis .. yung iba nag alisan na .. yung iba naman naiwan .. karamihan babae ang mga naiwan .. nagreretouch pa kasi sila hehe ..
lumabas na kami ng room ni angeline .. wala narin naman kaming gagawin dun
" uuwi ka na ba agad ??" tanong ko kay angeline ..
"ang aga pa eh .. wala din naman akong gagawin sa bahay" angeline
"tamang tama samahan mo nalang ako .. " ako
"saan naman tayo pupunta ??"
"samahan mo naman akong hanapin yung classroom nila jeremy .. di ko kasi alam kung ano course at block niya eh .. " sabi ko naman ng nakapout ..
ang hilig ko nang magpout .. tinry ko nga magpout sa salamin eh .. di maganda kinalabasan kaya pilit kong iniiwasan .. pero di ko talaga mapigilan eh ..
tulad nalang ngayon .. hehe
" eh bakit hindi mo nalang tanungin si kuya ??" angeline
" yun na nga rin eh 1 week ko na rin syang hindi nakikita "
"eh bakit hindi mo sya kausapin sa facebook ??" kumislap naman yung mga mata ko at parang may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko .. tama .. bakit nga ba di ko naisip yun ...
umupo na muna kami sa may bench at inilabas ko naman yung netbook ko sa bag ...
nag log in ako sa facebook at clinick ang search sa taas .. magsisimula na sana akong magtype ng marealize ko ..
hindi ko pala alam ang pangalan ni kuya !!!
" alam mo ba kung anong pangalan nya ??" tanong ko naman kay angeline .. malay mo naman di ba alam niya ..
"ano ka ba naman , bakit ako tinatanong mo .. sino bang nanghila sa kanya ha ?? sino ba nakipag usap ?? .. di bat IKAW??" napapout nalang ako .. eh sa nalimutan ko itanong eh ..
" eh hindi ko rin alam eh .. nakalimutan kong itanong.." nahihiya kong sabi .. nanlumo ako bigla .. nuh ba yan .. parang ayaw talaga ni tadhanang magkita kami .. huhuhu
ang engot ko talaga .. alam na nya sekreto ko at inalok ko pa syang maging friend .. tapos pangalan lang hindi ko alam ..
facebook search huh ??
how am i suppose to do that ??
i dont even know his name ..
- - - - - -
dahil wala na kaming choice kundi isa isahin ang lahat ng room dito sa engineering department eh sinimulan na namin ..
buti nalang at alam ko kung saang department sya ..
remember sinundan ko sya nung enrollment at nagpunta sya ay sa may building ng CEIT ( college of engineering and industrial technology ).
naku kung nagkataong hindi ko alam .. ano nalang mangyayari samin ni angeline .. sa laki ba naman nitong CNSC .. marami raming room din yun ..
inisa isa namin lahat ng room sa CEIT ...
sumisilip lang kami ha .. baka isipin nyo naman pumapasok kami para lang magtanong .. nakakahiya yun ..
di pa kami nakakarating sa may dulong room at di parin namin makita ang ni isa sa kanila ay nakaramdam na ko ng gutom at tingin ko parehas kami ng nararamdaman ng kasama ko .. kanina pa kasi sya nagang tingin sa mga kumakain .. kawawa naman ..
tumingin naman ako sa wrist watch ko .. 12 na pala .. kaya pala gutom na ko .. isang oras narin pala kaming naglilibot ..
"kumain kaya muna tayo ??" tanong ko naman sa kanya .. napatingin naman sya sakin at biglang nagliwanag ang mukha nya ... tumingin naman ako sa may likuran nya .. kaya naman pala maliwanag eh .. nakatapat sya sa araw .. hahaha
" kanina ko pa iniintay yang tanong na yan !" hinila naman nya ako agad at tumakbo kami papuntang canteen .. mahaba haba rin ang pila pero keri lang ..
nung nakabili na kami ay umupo na kami sa may bakanteng upuan at kumain ..
habang kumakain ay may nahagip ang mata ko ..
ang 1week nang inaasam na makita .. nasa kabilang table lang kumakain ..
napangiti nanaman ako ng pagkalaki laki ..
tinuro ko naman kay angeline sila jeremy at ang tatlo pa nyang kasama including kuya na hanggang ngayon .. hindi ko pa alam ang pangalan ...
napalingon dito si jeremy at nginitian nya ako at syempre nginitian ko din sya .. aarte pa ba ko ?? magkakilala naman kami ..
napatingin naman ako kay kuya at nakita kong nakatingin din sya ..
hay naku nakakunot nanaman po ang nuo nya .. kaya dinilaan ko nalang sya .. bago ko pa alisin ang tingin ko sa kanya ay nakita ko syang tumawa ..
napangiti nalang ako
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Teen FictionJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...