nang paalis na kami aa canteen kasi tapos na kami kumain eh sakto namang tapos naring kumain sila jeremy .. ayaw ko pa sana umalis kasi gusto kong mauna lumabas sila jeremy para malaman ko na kung saan ang room nya .. kasu ang sama na ng tingin nung ibang student samin .. wala na kasing ibang bakanteng upuan kaya naghihintay nalang sila na may umalis ..
kaya tumayo na nga ako at lumabas .. pero syempre dahil nga stalker ang papel ko sa kwentong to eh nakikiramdam ako kung saang way sila jeremy dadaan ..
" palabas na yata sila ng school " bulong ni angie sa gilid ko .. nagnod naman ako ..
" tara sundan natin .." sabi ko naman at naglakad na kami sa dinaanan nila .. pero hindi kami lumapit ng sobra .. kunwari pauwi narin kami ..
lumingon naman si kuya sa likuran at nakita nya kaming nakasunod ..
napakagat nalang ako sa lower lip ko .. ano ba yan .. simula palang huli na agad ..
nakita ko namang ngumiti ng nakakaloko si kuya at inakbayan si jeremy at parang may binubulong habang nakatingin parin sakin .. nanlaki naman ang mata ko .. tinawanan ba naman ako ..
ansama talaga ..
ano bang sinasabi nya .. sinabi kaya nyang sinusundan namin sila ? ..ngayon na kaya nya itutuloy yung pinostponed nya ..?? iiiihhhh di pwede ..
napatingin ulit ako sa kanila at nakita kong papalapit si jeremy sa amin .. oh my god ... nararamdaman ko pang sinisiko ako ni angeline sa tagiliran ko ..
" hindi naman ako namamalikmata di ba ?? papalapit ba talaga sya dito ??" bulong ko kay angeline habang nakatingin parin kay jeremy na papalapit ..
"angie" waaaahhhh tinawag nya ko .. hala anong sasabihin ko ...?? alam ko mukha na kong tanga dito na nakatulala at pulang pula na ang mukha ..
siniko naman ako ni angeline na medyo malakas kaya natauhan ako
" tinatawag ka bruha " bulong nya saken
" ah .. ha ? bakit ?" nauutal ko pang tanong kay jeremy .. ngumiti naman sya .. hindi ko alam kung bakit sya ngumiti pero ngumiti na din ako ..
" ah yung classmate ko kasi nagtatanong kung pwede daw hingiin yung number mo?" tinuro naman nya si kuya at napahawak sya sa batok nya .. ang cute nya talaga pag ginagawa nya yan .. namumula pa ang tainga nya .. kaya lalo pa kong napangiti
ginagawa nya lang yun pag nahihiya sya .. ibig sabihin nahihiya sya sakin ?? iiiiihhhhhh di nga ? hihihi
pero teka ? anu daw ? si kuya gusto hingiin yung number ko ??.. napatingin naman ako kay kuya at nakita ko syang nakangiti ..
yun kaya yung ibinulong nya kay jeremy kanina ??loko rin yun ah .. pinapakaba ako ..
" eh panu yan ? isa lang yung number ko .. mawawalan ako ng number pag ibinigay ko sayo" ang bibig ko talaga minsan walang kontrol .. pagagalitan ko nga to mamaya .. anu ba naman yung sinagot ko ..
baka mahiya na syang hingiin yung number ko .. di nalang kasi ibinigay agad eh .. nuh ba naman yan angie
napahawak nanaman sa batok si jeremy habang nakangiti parin
"oh eto yung number nya .. wag mo nalang syang pansinin .. wala lang yan sa sarili nya .. kanina pa yan eh .. pagpasensyahan mu na" sabi ni angeline kay jeremy sabay abot nung cellphone nya .. kinuha naman yun ni jeremy at tinype sa cellphone nya yung number ko ..
" ah salamat -----" sabi naman ni jeremy habang nakatingin kay angeline ..
" angeline " itinuloy naman ni angeline yung sasabihin sana ni jeremy ..
" ah salamat angeline .." humarap naman sya sakin " salamat din angie .. parehas pala kayong angie" sabi nya sakin ng nakangiti
"welcome .. uo kaya nga kami nag click eh .. parehas pa kami ng personality" sagot ko naman sa kanya ng nakangiti rin .. pansin ko kanina pa ko nakangiti .. masakit din pala sa panga .. ang ngalay ..
" cool ... ah sige una na pala ako" paalam ni jeremy
" sige bye " nag wave naman ako sa kanya .. nakita ko syang sumama na ulit dun sa tatlo .. lumingon pa muna sakin si kuya at kumindat bago tuluyang umalis .... napataas naman ang kilay ko dun ..
para saan naman yun ??
" hoy babae ! wala na sila .. ano na .. tatayo nalang tayo dito forever ?"
sabi naman ni angeline kaya napalingon ako sa kanya .." ANGELINE kyaaaaahhhhhhh " napasigaw na lang ako ... siguro nga nagulat sya sakin pero ngumiti nalang din ..
" hiningi nya yung number ko .. grabe hindi ako makapaniwala "
" halata nga sayo ... kung anu ano na nga sinabi mo kanina" sabi nya at nagsimula na ulit kami maglakad ...
" buti nalang at nanjan ka ... salamat sa pagsalo mo sakin kanina"
" hay naku alam ko namang matagal mo yung hinintay nuh .. pero di ba sabi nya si kuya yung nanghihingi ? bakit naman nya gagawin yun ?"
nagtatakang tanong ni angeline .." di ko rin alam .. basta ang alam ko .. may number ko na sya .." masaya kong sabi
" uo na"
naghiwalay narin kami pagsakay pauwi ..
nakikitira na nga pala ako sa tita ko sa diego linan .. kaya yung dating byahe ko na 1 hour ngayon 15 min. nalang ..
feeling ko tinutulungan ako ni kuya ... hindi naman ako manhid para hindi ko mahalata yun .. yung pagbulong nya kanina .. sinandya nyang ipakita yun para akalain kong binubuking nya na ko ..
alam ko inaasar nya lang ako nun .. pero kanina nung kumindat sya .. alam ko nang plinano nya yun ..
meron din naman pala syang tinatagong bait eh .. kunwari pa sya ..
napangiti nanaman ako
pero hanggang ngayon hindi ko parin alam pangalan nya ..
salamat na lang sa kanya kasiiiiii ... level up na kami ni jeremy .. nasa talking level na kami ... hihihi ano naman kaya ang sunod??
dating kaya ??
hihi landi ..* ting*
napatingin naman ako sa cellphone ko .. may nagtext eh .. inopen ko naman
from: 09468594***
nice one clumsy :)parang alam ko na kung sino to
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Dla nastolatkówJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...