Chapter 1:Long Lost Prisoner

2.7K 60 4
                                    

Note: Hi, may mga magic spells na galing sa net akong ginamit dito. Especially galing sa Harry Potter! Credits to the rightful owners!




[THIRD PERSON POV]

"Aaaarrrgggh! Let me get out of here! I will kill you all! Ughhh! P-please stop! P-please...it really hurts." pahina na ng pahina ang boses ng binatilyong nakahiga ngayon sa isang metal bed habang nakagapos. Namimilipit ito sa sakit habang patuloy na pinapagana ng isang tao na nakaputi at balot na balot ang machine na kumukuryente sa buong katawan ng binatilyo. Maraming scientists ang nakapalibot sa lalaking ito ngayon at patuloy pa'rin siyang inoobserbahan.

"He's still powerful. Ni hindi man lang nababawasan ang lakas sa loob ng katawan niya. He's like a God! Unbelievable." One of the woman scientist said while her eyes is widening in shocked.

"His power is out of this world! We can't reach it anymore. Higher the voltage! Baka mapatay tayo niyan 'pag nakawala pa. Tch." The head scientist said with full of authority in his voice. He's a man in a middle age and he's really intimidating based on his voice, facial and body structure.

"Yes sir!" Sinunod naman ng nag-momonitor sa machine ang inutos sakanya ng kanilang Head kaya mas tinaasan pa niya ang boltahe ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ng binata. Kung ordinaryong tao lamang ang nasa posisyon ne'to ay paniguradong patay na ito ngayon pero hindi. Hindi siya ordinaryong tao lang. He's a powerful creature more than what they have expected. Sa sobrang panghihina ay nawalan na ng malay ang binata ngunit ang kapangyarihan nito ay ganun pa'rin. He's just regaining it, charging in other word .

"Leave." The Head Scientist. They nodded in unison then left the room quietly. Pinagmasdan ng lalaki ang binata saka ini-scan ang buong kwarto. Kwarto na walang kabuhay-buhay. Isang kwarto na bangungot para sa kahit na kanino. Isang kwartong purong puti at ni wala kahit isang butas maliban sa isang maliit na mataas na bintana at sa pintong gawa sa napakatibay na bakal. Kahit sino ay ayaw na makulong ng ilang taon sa nakakakilabot na lugar na ito kung saan ikaw ay patuloy lamang pahihirapan ng mga walang awang scientists upang pag-eksperementuhan.

"You bastard is one of a kind. I'm really lucky to discover you." He smirked. He is Maximos. Just call him that nick name. He's a greedy and selfish scientist. Gusto niya lang ay maisa-alang alang ang pansariling kapakanan. Itong lalaking kinulong at pinapahirapan niya ngayon ay ang susi upang maging makapangyarihan siya at maging pinaka-mayaman sa lahat.

Sinigurado niya munang hindi makakawala ang bihag niya saka na lumisan ng kwartong iyon habang may matagumpay na ngiti sa labi.

"Konting panahon nalang, yayaman na rin ako ng walang kapantay sa lahat. He will be the key to my greatest success! My greatest discovery! HA-HA-HA!" Maximos laughed sarcastically before leaving their secret room in their laboratory.

Habang sa loob naman ng kwartong iniwan nila ay unti-unting nagmumulat ng mata ang lalaking ilang taon nilang tinago. Ilang taon nilang kinulong at ilang taon nilang ginagamit ang pambihirang taglay na kapangyarihan. Hinang-hina na ang pisikal na katawan nito dahil sa mga iba't-ibang gamot na itinuturok sakanya sa araw-araw. Sa bawat araw na itinatagal niya sa kamay ng mga taong iyon ay unti-unting nauubos at humihina ang napakalakas na kapangyarihan niya. Kahit gaano siya kalakas ay may hangganan rin naman iyon. At malapit na ang hangganan nito.

"I-Inang R-Reyna... t-tulungan mo a-ako," Hinang-hina niyang bulong. Pawis na pawis siya. Puno ng pasa ang namamayat niyang katawan. Ni hindi na siya nakakakain sa halos dalawang taon niyang paghiga lamang sa kwartong iyon. Ngunit malakas siya. Napakalakas. Kaya hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya at nagsisikap na makawala sa kamay ng mga demonyong kinulong siya. At sa oras na makawala siya, pinapangako niyang isa-isa niya silang papatayin. Lintik lang ang walang ganti. Dila lang ang walang latay. Mata lang ang walang sugat.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon