[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]Naging mabilis ang pagdaloy ng oras at umaga na. Hindi kami nagsayang ng oras at nagsimula nang maglakbay muli. I rode the same pegasus with maligno. Napakalandi kasi ne'tong isang 'to!
"Behave." I warned him as he planned to put his hands on my waist.
"What? You're my girlfriend." Nagkibit-balikat siya and swear kahit na nakatalikod ako, navivisualize ko ang ngiti niyang nakakaloko. Naku!
"Get a room." Naningkit ang mga mata ni Suho kaya pinamulahan ako ng pisngi. Bakit ang dali sakanilang sabihin ang mga ganyang bagay? Boys, ugh.
"Hey, the princess is only 20. Besides, di pa kami kasal." Sync playfully answered kaya hindi ko napigilan at kinurot ko siya sa binti. Kahit kelan napaka-abnormal ng maligno na 'to. Tumanda na't lahat lahat, hind pa 'rin tumino.
"Sad, wala na akong pag-asa sa prinsesa." saad ni Inferno kaya nabaling sakanila ang atensyon ko. I creased my forehead as I listened to the knights talking.
"May balak pa naman akong ligawan siya no'ng panahong nalaman ko na ipadadala na tayo sakanya." Aero blurted. Sinilip ko si Sync sa likod ko and I saw his jaw clenched in anger.
"You got the guts to talk about my girl while I'm here? Do you wanna die right now?" He seriously warned them kaya napa-iling na lamang ako. Here we go again with the nonstop quarrel.
"Di pa naman kayo kasal." Pagmamaktol ni Inferno kaya tinawanan siya nina Cold at Lake. The childish baby knight is hitting the nerve.
"At di pa naman huli ang lahat para ibaon ka sa libingan mo." Sagot naman ni maligno. Di 'yan papatalo, kita niyo. Si Suho naman ay napailing nalang sakanila.
"Ganyang-ganyan din si Royal Wizard bago niya pinaulanan ng suntok si Prince Gacrux." kumamot sa batok si Suho. He got my attention with what he just said.
"Anong sabi mo? Sinuntok ni Sync si Gacrux?" Suho just shrugged as he continued to control his pegasus. Nilingon ko si maligno at binato ng masasamang tingin ngunit gaya ni Suho ay nagkibit-balikat lamang siya. This guy!
MATAPOS ang ilang araw na paglalakbay ay nakarating na rin kami sa wakas sa wizard line. Ibig sabihin ay nasa teritory na kami ng mga wizard. Ilang oras pa ang lalakbayin bago kami tuluyang makarating sa palasyo ngunit ginagapangan na ako ng kaba. Hindi ko alam pero may hindi ako magandang nararamdam dahil sa aura ng emperyo. Is there something going on?
"Sync, ako lang ba ang nakararamdam ng kakaiba?" Bulong ko kay Sync pero hindi siya sumagot.
"The wizards seem to be silent." Cold blurted as he scanned the area of our empire. Right. The land's too gloomy and silent. Hindi ganito ang kaharian namin. Kung normal na araw 'to malamang ay may mga bata nang naglalaro at nageensayo ng kani-kanilang abilities ngunit bakit napaka-kakaiba ngayon?
"What was that smell?" Nandidiring sabi naman ni Lake nang may maamoy kaming masangsang. Napatakip ako sa ilong ko gaya nila, ang baho nga!
"There." May tinurong direksyon si maligno na pinamumugaran ng malalaking bangaw. Hindi ko alam pero kahit di pa naman kami lumalapit ay gusto ko nang masuka dahil sa sobrang daming grupo ng bangaw na naroon.
I looked around. Bakit parang naging dead city ang emperyo namin? Bakit parang kulang nalang ay zombie apocalypse? Oh baka naman may zombi nga rito tuwing gabi? My god!
"Anong nangyari sa kingdom natin?" Tanong ko. Hindi na kami nag-abala pang bumaba para tingnan kung ano 'yong nilalangaw sa baba dahil may kutob kaming lahat na may hindi magandang nangyari sa palace. God, what just happened to our healthy kingdom?
BINABASA MO ANG
SOM 2: Planet Of Magic
FantasySchool Of Magic 2. As the new Princess of Wizardouz Kingdom took over the throne, new threats will arise. Dark monsters will try to invade them and Vampires will try to steal their Kingdom's power and authority. Princess Xheila has it all on her sho...