Chapter 2:Dark Dragons

1.5K 42 6
                                    

[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"Where are we?" I asked Maligno while scanning the whole area. Dito niya 'ko dinala pagkatapos naming mag-teleport. Ngayon lang ako nagawi dito. Akala ko ba kakain kami? Mukhang wala namang pagkain dito dahil puro kahoy na putol lang naman ang nandito. Parang gubat na sinira tapos napaglipasan ng panahon kaya natakpan na ng yelo. What the heck are we doing here?

"Masarap dito." I looked at him then he winked at me. I just showed him my pokerface. Anong masarap dito? Seriously?

"Hoy!" Pagtawag ko sakanya nang naglakad siya palapit sa isang troso. Itinapat niya ang kamay niya dito saka kusang nawala ang mga yelong nakapalibot dito. May something sa mga troso na 'to e.
Nilingon ako ni maligno saka sinenyasang lumapit sakanya. Kaya kahit nag-aalinlangan ako ay lumapit pa 'rin ako. Kumuha siya ng maliit na part ng troso na parang walang kahirap-hirap. Wow, baka lumambot na yung kahoy dahil matagal na. Umupo siya para maabot yung punong-kahoy at ganon rin ang ginawa ko. Yung upong di sumasayad sa lupa yung pwet? Gets? Hehe!

"Eat this." Nakangiting saad ni Maligno saka itinapat sa mukha ko ang maliit na piraso ng kahoy. Tiningnan ko siya ng masama.

"What? Are you trying to kill me?" Pagsusungit ko sakanya. Nababaliw na yata 'to e. Nagugutom na'ko. Wala na'kong oras para makipag-lokohan sa loko-lokong maligno na 'to.

"Nope. Just try it. Masarap." Nakangiti pa'rin siya. Tinabig ko 'yong kamay niya na nasa tapat ng mukha ko. Tumayo na'ko mula sa pagkakaupo saka ko na siya tinalikuran. He's being too playful! Kaasar na talaga.

"Edi lamunin mo! Aalis na'ko." Inis na saad ko saka naglakad pero nakaka-isang hakbang palang ako ay naramdaman ko na ang kamay niya sa braso ko.

"Try mo lang naman baby eh. Masarap 'to. You're not trusting me again." Hinarap ko siya upang makita ang reaksyon niya at nakita ko sa mga mata niya ang pagtatampo. Grabe naman 'to! Nagtanim agad ng sama ng loob.

"Eh sino ba naman kasing kakain ng kahoy, ha?" I asked with full of sarcasm in my voice. Di ako agad nakapag-react ng bigla niyang ipasubo sa'kin yung kanina pang nasa kamay niya. Nagulat naman ako sa nalasahan ko. Nginuya ko pa para makasigurado ako at di nga ko nagkakamali! Chocolate? Wow.

"What can you say baby? Huh?" Sync smirked but I didn't mind him. Nilibot ko ang paningin ko sa napakarami pang kahoy sa paligid. Oh, kahoy nga ba talaga? Eh ang sarap e!

"Anong klaseng kahoy yang mga 'yan?" Manghang tanong ko. Mag-uuwi ako! Hahaha.

"Hindi kahoy 'yan Xheila. Can't you see that difference? Ang kahoy ay matigas samantalang yan parang marshmallow. Puno 'yan na pag nahinog ay unti-unting mamamatay. It's a Dinalis tree." Saad ni Sync saka yumuko upang kumuha ulit ng maliit na parte nung Dinalis tree raw. Mukhang malinis naman siya kaso natatakpan na nga lang ng yelo kasi nga siguro dahil wala namang pumapansin sakanila upang kainin.

"Masarap naman pala 'yan Maligno, pero bakit walang kumakain? Kita mo oh, ang dami dami. Natatakpan lang ng yelo." Sabi ko naman sakanya.

"Ewan ko rin. Baka nakalimutan nalang din ng mga Haumeans na nag-eexist pa 'tong puno na 'to. Hmm." Sagot niya saka sinubo yung hawak niya kanina. Pero seriously, para siyang kumain ng troso. Hahaha!

Nilapitan ko siya saka ako sumakay sa likod niya. Wahahaha! Huli ka.

"O-oy Xheila! Ang bigat mo!" Pagrereklamo niya pero mahigpit ang kapit ko sa leeg niya kaya hindi niya 'ko mapapaalis sa pagkakapusan niya.

"Mabigat? Ang gaan gaan ko nga lang e! Ang sabihin mo, weak ka lang talaga!" Pang-aasar ko sakanya. Kahit na ang tangkad niya, nagawa ko siyang abutin. Galing ko :P

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon