Chapter 10: Undiscovered Power

738 36 1
                                    

[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"Ang sarap ng simoy ng hangin." nakangiting saad ko. Nakaupo kami ni maligno rito sa labas ng mansion. Tahimik dito at walang ibang bahay. Parang nasa probinsya kami. Free from pollution.

"Anong lasa?" sarkastikong sagot ni maligno kaya walang alinlangan ko siyang hinampas sa balikat.

"Masyado kang pilosopo!" inis na sabi ko sakanya. Si Suho ay nasa loob at namamahinga. Si Gacrux? Ayun patay na yata. Binigyan namin siya ng dugo ng hayop na nakuha ni maligno kung saan para di naman siya mamatay sa gutom. Kahit masama ugali non kailangan pa'rin namin siyang ibalik ng buhay kay Kaira.

"Hanggang ngayon napapaisip pa'rin ako sa nangyaring pagsugod ng mga Dark Dragons sa kingdom natin." seryosong saad ni maligno. Naalala ko yung mga kawal ng kaharian na nagkanda-lusaw ang katawan dahil sa mga dragon na 'yon. Napangiwi ako bigla.

"May kalaban na naman ba?" kabadong tanong ko. Hindi imposible iyon.

"Posible. Only black magic has the ability to summon those dragons--- which are already extinct hundred years ago." he answered which made me confused more. Extinct na ang mga dragon na 'yon pero paano nangyaring sumugod sila sa kingdom namin?

"Let's solve that once our business here is done." hinawakan ko ang balikat ni maligno para pagaanin ang loob niya. He is one of the strongest wizard in Haumea so the whole kingdom is expecting something big from him. Siguro ay napepressure na siya ngayon. Mas pressured pa siya sa'kin na prinsesa ng kaharian.
Tumingin siya sa'kin saka nagsalita.

"Xheila pagpasensyahan mo na pala yung inakto ko sa'yo nung nakaraang araw. Please understand me. I'm so sorry." pagsusumamo niya sa'kin, tinanguan ko naman siya.

"I understand." nakangiting sagot ko saka ko siya niyakap ng mahigpit. He hugged me back.

"AAAAAHHHHH!" bigla akong napasigaw nang may naramdaman akong mahapdi mula sa likod ng balikat ko.

"Shit!" sigaw ni maligno habang pinagmamasdan ang badang likod ko. "Who's there?!" sigaw niya sa paligid habang inililibot ang kanyang mga mata. Napahawak ako sa likurang balikat ko at may nakapa akong isang bagay na nakatusok sa'kin. An arrow.

"U-ugh." napadaing ako sa sakit, this arrow is poisonous.

"What's this?" bulong ni maligno. Tiningnan ko ang paligid at may mga itim na usok na isa-isang nag-form ng mga armadong lalaking naka-itim. Nakatakip ang buong mukha nila at may mga dala silang pana at espada. Ninja?

"Illusion!" sigaw ni Suho na palabas na ng bahay ngayon para tulungan kami, "This is only an illusion. Iisang tao lang ang mga 'yan. There's only one way to defeat them, find their leader." dugtong pa ni Suho saka ako inalalayan.

"Remedus!" sinubukang atakehin ni Sync ang isang illusion ngunit naging usok lamang ang parteng iyon na inatake niya at bumalik din ulit sa dati. Hindi sila mauubos at hindi namin sila matatalo dahil hindi namin sila mahahawakan!

"We can't hurt them but they can hurt us." naiiling na sabi ni Suho. Paano nila kami natagpuan dito? There's really something wrong. Mula sa pag-atake ng mga Dark Dragons hanggang sa pag-atake ng mga illusion na'to. May pasimpleng tumutugis sa'min at ang malala ay hindi namin kilala kung sino ang kalaban namin.

"In the count of three, run as fast as you can," bulong ni maligno sa'min, "Hindi nila tayo magagalaw sa loob ng mansion. Go there fastly and try not to get hurt." tumango kami ni Suho.

"One."

"Two."

"Three!" and they attacked us.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon