Chapter 13: The Knights

662 32 4
                                    

A/N: Ooops, sino yung mga nasa multimedia? 😱




[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

"Bumalik nalang muna tayo sa mansyon para iwan 'yang mga hayop saka natin hanapin 'yang nasesense mo Suho." suhestyon ko na sinang-ayunan naman nila. Nagteleport na kami pabalik.

"Hoy bampira," tawag ni Maligno kay Gacrux. Binigyan naman siya ng walang kwentang tingin ni Gacrux. Kahit sino siguro matetempt na sapakin 'to.

"Kaya mo 'bang bantayan 'tong dalawang bihag natin?" tanong ni Sync.

"Baka kakampi pa 'yan nung illusionist Royal Wizard. We can't trust him. Lalo na at nagsara ang portal na nakakonekta sa kingdom nila? Baka planado nila 'to." hindi sumang-ayon si Suho. Hays, ba't ba kasi may nangyayaring ganito?

"Ako na ang maiiwan dito. Hanapin niyo na 'yung mga hinahanap natin." I volunteered.

"No!" sigaw ni Maligno kaya gulat akong napatingin sakanya. Problema ne'to? Ayaw nilang pagkatiwalaan si Gacrux tas pag hahanap ng paraan ayaw naman. Yung totoo? Mamumuti talaga buhok ko sa mga 'to swear.

"Obviously, you can't be alone with that jerk." singit ni Suho habang tinuturo gamit ang nguso niya si Gacrux.

"Alangan namang ikaw ang maiwan Suho eh ikaw nga ang makakahanap sakanila." sabi ko saka ko siya inirapan.

"What about this way. Si Royal Wizard ang maiiwan kasama ni... Gacrux?" medyo natawa pa si Suho nang sinabi niya 'yan.

"Wala akong pakielam sa kung ano mang gawin niyo sa buhay niyo." sabi ni Gacrux saka walang pasintabing umakyat sa kwarto niya.

"Aba't!" akmang tatakbo na si Maligno para habulin siya pero bago pa man niya gawin 'yon ay pinigilan ko na siya. Baka magiba na 'tong mansyon sa kakaaway nila!

"Hindi nakakatulong 'yang pag-aaway niyo!" suway ko kay Maligno kaya wala na siyang nagawa kundi magbuntong-hininga.

"Maiiwan ako para magbantay." labag sa loob na sabi ni Maligno. Alam ko namang ayaw niyang kasama si Gacrux at isa pa! Baka pagbalik namin ay wasak na 'tong mansyon!

"Hindi ba talaga pwedeng maiwan si Gacrux dito kasama 'yang dalawang 'yan?" turo ko sa dalawang bihag namin. Yung illusionist na mala-ninja ang datingan ay tahimik lang. Ni minsan ay hindi pa iyan nagsalita simula kagabi. 'Yung scientist naman, ayun nabaliw na yata, literal.

"Paano kung may gawin siyang hindi maganda habang wala tayo?" sagot sa'kin ni Maligno na sinang-ayunan naman ni Suho.

"Hindi pa natin siya pwedeng pagkatiwalaan. We'll clear things out once we get back to Haumea." seryosong sabi ni Suho.

"Paano kung kalaban pala 'yung mga hahanapin natin? Mas maigi kung tatlo tayo." sabi ko pa. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan namin ni Suho, pero kasi iniisip ko na baka magpatayan 'yung dalawa. Baka pagbalik namin ay may lamay nang magaganap, jusko.

"Mag-iiwan nalang ako ng tracker sa dalawang 'to para malaman ko kaagad 'pag humakbang sila palabas ng mansyon." sabi ni Sync. May paraan naman pala eh, dami pang drama sa buhay!



Ikinulong nina Suho at Sync 'yung dalawa sa magkaibang kwarto at sinigurong hindi sila makakatakas. Ako naman ay naghintay lang dito sa sala.

"Tara na." napalingon ako kay Maligno na pababa na ng hagdan kasunod ni Suho. Tumayo na'ko at lumapit sakanila. Hinawakan ko si Maligno para makapag-teleport na kami.

"Why are you touching me?" pagsusungit sa'kin ni Maligno kaya tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan.

"Malamang magteteleport! Duh! Baka kaya ko ano?" sagot ko sakanya. Minsan talaga walang common sense 'tong maligno na 'to eh. Minsan nga iniisip ko kung lamang-lupa ba talaga siya o ano.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon