Chapter 17: Ghouls, the undead monsters

898 36 29
                                    



[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]


"Calm down." hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan ni Kaira ngayon. Parang hindi siya 'yung taas noong prinsesa na iniwan namin dito noong nakaraang araw. She's now a mess. Iyak lang siya ng iyak kaya bilang nag-iisang babae rito ay pinapatahan ko siya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaharian namin. Sirang-sira na lahat!" she cried.

"I'm sorry for leaving you behind." Gacrux said with full of sincerity in his voice. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa kapatid.

"Its o-okay as long as you're back." ngumiti si Kaira kahit na lumuluha pa'rin ang mga mata niya. Halata sakanya ang pagkagalak na makita ang kapatid.

"Nakakaiyak naman. Huhu!" nasira ang madramang scenario nang biglang magsalita si Inferno. Take note, hindi sarcastic ang pagkakasabi niya. He's so pure and innocento to the point na ang sarap na niyang ihagis sa Ghaku Forest at ipakain sa mga gutom na gutom na creatures doon.

"Sino ang may gawa nito sa kingdom niyo?" seryosong tanong ko kay Kaira. Tila ang laking impact ng tinanong ko dahil napatigil siya at napatulala.

"Ghouls." si Marius na ang sumagot nang hindi makapagsalita si Kaira. Kumunot ang noo ko dahil wala akong ideya sa sinabi niya.

"Anong ghost?" tanong ko.

"Its ghouls." paglilinaw ni Marius kaya nilingon ko si Maligno na nakatingin ngayon ng seryoso kay Marius. Magtatanong na sana ako sakanya nang bigla siyang nagsalita.

"Ghouls are evil spirit or phantom, especially one supposed to rob graves and feed on dead bodies." Sync said which gave me enough reasons to be scared. Nanayo ang balahibo ko sa hindi malamang dahilan kahit na hindi pa'ko nakakakita ni isang uri ng ghoul na iyan.

"Iyon ba yung mga pangit na mukhang halimaw na hindi nakakakain ng ilang dekada dahil sa kapayatan?" biglang singit ni Cold sa usapan.

"Oo pre, sila yung may mahahabang dila. Tapos mahahaba yung daliri tsaka tenga. Tapos mukhang bungo. Haha!" sagot ni Aero saka pa tumawa. Kahit sino gaano ka-seryoso ang sitwasyon ganyan na talaga sila.

"P-pumapatay sila di'ba?" bigla namang nanginig sa takot si Inferno saka nagtago sa likod ni Lake. What a scene.

"Mas duwag pa kayo sa mga batang wizards sa kingdom namin. So tell me, how could you promise my safety?" ngumisi ako sa apat. Nagtinginan sila saka sabay-sabay na napa-iling.

"Hindi! Na-nakakatakot lang talaga itsura niyang ghouls na 'yan swear!" saka pa itinaas ni Inferno ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

"Tumahimik nga kayo! Hindi kayo nakakatulong!" bulyaw ni Suho sa apat dahilan para manahimik sila.

"Nasaan na sila ngayon?" tanong ko kay Kaira. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang Wizardouz Kingdom. Okay lang naman sila di'ba?

"They are attacking the whole Levinia Kingdom right now. I think nasa iba't-ibang lugar sila para kumuha ng mabibiktima." sagot ni Kaira na medyo kumalma na.

"Why don't you fight them back?" nagtatakang tanong ko. They are still vampires afterall. Pero umiling lang siya sa'kin.

"Marami sila kumpara sa'min. Isa pa, umatake sila nang wala kaming kaide-ideya kaya wala kaming laban. They are just too powerful compared to us. Hindi kami nakapag-handa." malungkot ang boses niya, kahit ako naman siguro.

"But how the hell did they entered your kingdom? I thought this place is bounded by a defense mechanism?" hindi maiwasang magtanong ni Sync. Napaisip din ako roon.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon