Chapter 26: Hostaging the princess

373 13 0
                                    


Chapter 26: Hostaging the princess

"But Sync, the party is not yet over! Kapag umalis tayo nang walang paalam ay hahanapin tayo nina King David!" Saad ko kay maligno pero hindi niya ako sinasagot. He's really pissed.

"Where do you think you're going?" Napahinto kami sa pag-alis ni Sync nang may marinig kaming boses mula sa labas ng karwahe. Nagtinginan kami ni maligno bago silipin kung sino ang nasa labas at nagulat ako nang makitang napakarami nila.

"Black ninja? Again?" Di makapaniwalang usal ko nang makitang napalilibutan na kami ngayon ng mga naka-itim na ninjas.

"Princess!" Rinig ko ang boses ng apat na knights sa di kalayuan sa karwahe namin.

"Humingi kayo ng tulong! Bilis!" Rinig kong sigaw ni Inferno.

"Stay inside." Maligno said bago lumabas.

"Wait--" hindi ko na siya nasagot dahil lumabas na siya. Sinilip ko sila sa labas at nakita kong inilabas ni Sync ang wand niya at gaya mg dati ay hindi tumatalab ang pag-atake niya sa ninja dahil tumatago lamang ang mahika niya sa mga ito. Illusions again. Ibig-sabihin, isa lang ang tunay sa mga iyan.

"Tama ka, at ako 'yon." Hindi na ako nakasigaw when someone grabe my shoulder and put a cloth in my mouth. May naamoy akong kemikal! This will surely lead me unconscious!

"Who are you?!" Rinig kong dumarami na ang tao rito sa labas ng hall. Mabuti na lamang at nakahingi ng tulong ang mga knights dahil sa sobrang lakas ng ingay sa loob ay imposibleng marinig kami rito.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sa'kin pero sadyang malakas siya. Unti-unti na rin akong nahihilo.

"Ang prinsesa!" Rinig ko ang isa sa mga knights nang mapansin nilang unti-unting lumilipad ang karwaheng sinasakyan ko.

"Pigilan niyo!"

Ramdam ko ang paghinto sa paglipad ng sinasakyan ko at ramdam ko na ring unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Tumigil na'ko mula sa pagpupumiglas dahil nanghihina na ako.

Bago ako mawalan ng malay ay libo-libong mga ninja ang nakikita ko sa ibaba na nilalabanan ng iba't ibang mga royal bloods kasama ang iilang mga hari. Sinusubukan nilang pigilan ang paglipad ko ngunit may nakita akong pumipigil sakanila... marami. Napakarami. Paniguradong pinaghandaan nila ito dahil alam nilang maraming dadalo na royal blood. Dark forces... nagpaparamdam na naman sila.

---
NAGISING ako na nasa isang madilim na kwarto. Napahawak ako sa ulo kong kumikirot.

"Ugh! Where am I?" Pansin kong nakagapos ako sa isang metal chair gamit ang isang magical chain na siyang nagsisilbing ilaw sa'kin ngayon.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko but into my surprise, I can't. They're blocking my ability! What place is this?

"Pakawalan niyo ko! Mga siraulong 'to!" Sigaw ko hangga't sa makakaya ko. Gumawa pa'ko ng iba't ibang ingay para makuha ko ang atensyon nila. I'm into playing games, too. And I'm not scared with this hostaging thing. Humanda lang sila at 'pag nahanap ako nina Sync ay lagot ang mga 'to!

"Hello!? Gising na yung hostage niyo!" Pang-iinis ko pa at sa wakas ay bumukas na rin ang pinto. Bumukas ang ilaw at laking gulat ko sa nakita ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa inis. What is she doing here?!

"Gising ka'na pala, my dear princess." Kaira mocked. I rolled my eyes at her.

"I don't have time with your games Kaira. Let me fucking go." I warned her. Marami akong dapat asikasuhin sa Wizardouz Kingdom and playing with her doesn't count in!

"Ako rin naman Xheila, wala akong oras sa'yo. Kaya kung ayaw mong pare-parehong masayang ang oras natin ay ibigay mo na kaagad ang gusto ko." She said confidently.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon