Chapter 12: Closed Portal

648 32 0
                                    

A/N: Credits to ChenieChenita for our new book cover. Thank you ❤




[XHEILA ZHATRIYA CASTIN]

I yawned while looking at our prisoner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I yawned while looking at our prisoner. Nag-iingay kasi siya. Kanina pa 'yan nagwawala akala mo naman makakatakas siya!

Nandito kami ngayon sa loob ng mansion. Madaling araw na at hindi pa kami natutulog o kumakain man lang. Sa sobrang depress namin sa mga nangyayari ay hindi na kami nakapaglaan ng oras para sa pagpapahinga.

Nakagapos sa isang upuan ang bihag namin. May wind chain pa'rin sa buong katawan niya.

"May nakalimutan tayo." sabi ni Suho kaya tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo.

"Ahh! Yung mad scientist? Bumalik na'ba sa normal?" tanong ni maligno nang maalala kung ano 'yon.

"Oo, kanina pa nga nagwawala sa kwartong pinaglagyan natin sakanya." sagot naman ni Suho.

"Hayaan mo muna siya roon. He's harmless," sagot ni Sync saka bumaling sakin, "Why don't you take a rest my love?"

"Tapos kayo magbabantay dyan magdamag? No way." malditang sagot ko. Ayokong sila lang ang nahihirapan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa saka ako nilapitan.

"You should rest princess. Baka parusahan kami ng reyna 'pag nalaman nyang hindi ka namin pinagpapahinga." nakangiting saad niya sa'kin pero inirapan ko lang siya. Here we go again, he's treating me like a baby.

"Di pa'ko pagod." inis na sambit ko sakanya na mas lalong ikinalawak ng ngiti niya.

"Really?" mapang-asar na tanong niya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero bigla akong nahilo. Napapikit ako at di 'ko na alam ang susunod na nangyari.


---
Iminulat ko ang mata ko. I stretched my arm. Umaga na? Teka? Nakatulog ako? Di'ba sabi ko hindi ako matutulog kasi magbabantay kami nina maligno? Hay nako Xheila!

Lumabas ako ng kwartong kinalalagyan ko. Hindi na'ko magtataka kung nandon ako paggising ko, malamang dinala ako doon ng boyfriend ko. Joke ko lang 'yung break up namin.

Pagkalabas ko ay bumaba agad ako sa second floor at naabutan ko 'yung dalawa sa dining hall na kumakain.

"You're awake. Come on, join us." nakangiting bati sa'kin ni Sync. Ugh, kahit siya lang sa breakfast ko please. Ang gulo ng relationship naming dalawa di'ba? Sometimes we loathe each other and sometimes we love each other so much. 'Yon ang hindi boring na relationship, try niyo.

"Good afternoon Princess." pagbati naman ni Suho saka ako binigyan ng ngiti. Sinimangutan ko siya. Tanghali na? Gosh Xheila, batugan ka talaga kahit kelan.

Umupo na'ko sa bakanteng upuan na katabi ni maligno saka nagsimulang kumain. Ang sarap ng mga pagkain. I bet, si maligno nag-abra kadabra rito.

"Nasaan yung mga hayop na nahuli natin?" tanong ko sa dalawa kaya natawa sila. Duh, hindi ako nagjojoke kaya wala silang karapatang tumawa.

SOM  2: Planet Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon