HP: 3

12.2K 355 13
                                    


The best kind of relationship begins unexpectedly. When you get the astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for love. It comes to you right at the right time.

__________

Celine

SINUSUNDAN ko lang si Papa when he entered into the reception hall. Buong araw ko siyang hindi nakausap tapos sinabi lang sa akin ni Nikos—bodyguard ni Papa na pinapunta nga ako rito kahit malinaw na malinaw sa aming dalawa na wala ng engagement na mangyayari.

Matapos ang isang buwan na puno ng tension ay tuluyan ng naisara ang kaso ng pagkamatay ni Quentin. Naging maluwag ang pakiramdam ko lalo na ng wala ng naging follow up report sa pagkakakilanlan nung pulang buhok na babae na nakita sa CCTV.

Halos gabi-gabi rin ang naging pananaginip ko ng masama pati na rin palagi ko na lang siyang nakikita sa panaginip ko.

If only I had a choice. I would make a difference. Pero nangyari na ang nangyari at wala na akong ibang puwedeng isipin ngayon kundi si Papa at kung papaano ako makakatulong sa pamilya.

I miss you so much, Chris. If you were here, none of this would have happened.

Naramdaman ko na naman ang kahungkagan na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko na matatakbuhan pa ang responsibilidad ko kay Papa–responsibilidad na nakaatang noon kay Chris. Papa wouldn't be alive forever, not when he'd aged decades in a matter of months after her brother died. Between his blood pressure skyrocketing and the doctor's dire warnings about lifestyle choices and his heart's ability to cope, he needed her.

Napahinto ako sa gitna ng hall kung saan dapat magaganap ang engagement namin ni Quentin. Dapat. Hindi ko naitago ang gulat ng makita ko ang kapal ng tao sa loob. Some faces were familiar to me, mga kamag anak ko and more.

I didn't see anyone coming from the Pavlik.

Nakita kong may kinausap si Papa na medyo may edad na lalaki. Nag tama ang mga mata namin saka lamang ako nangilabot ng makilala kung sino siya.

Jacob dela Vega.

What on the Earth just happened? Bakit sila nag uusap ni Papa? dela Vega is the third to the biggest name here in the country. They were everything she is trying to get the Silva's away from. I saw him scanned me as if judging my worth saka lumingon kay Papa.

"She's as exquisite as you promised. Kai will be as pleased as I am." Nakangiting sabi nito kay Papa.

Oh, no. No, no, no. This couldn't possibly be happening. Akala ko matatapos na ito sa pagkamatay ni Quentin.

"Papa..." Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko dahil sa hindi sa akin pag pansin ni Papa.

"Celine graduated at Stanford, Accounting and she had her Masters at Princeton." napayuko ako habang iniisa-isa ni Papa ang mga naging achievements ko.

Magiging masaya sana ako kung lahat ng sinasabi ni Papa ay dahil sa talagang proud siya sa akin, pero hindi. I felt like I was just a doll with a worth of billions.

"I see. So tell me, Celine. Can you see yourself handling all of your family's business?" Tanong sa akin ng matandang dela Vega pero hindi ko siya sinagot kaya inakbayan ako ni Papa at siya ang sumalo sa tanong nito.

Her Protector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon