HP: 27

7.1K 175 6
                                    


Words don't have the power to hurt you unless the person who said them means a lot to you.
_______

Kai

THE phone ringing brought me out of a delicious dream about being wrapped around Celine. Bahagya kong iminulat ang kaliwa kong mata ng may ngiti sa labi dahil sa katotohanang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi. I married Celine, and that was the happiest moment of my life.

Nakita ko itong nakasubsob at ginawang unan ang balikat ko. Inayos ko ang buhok na nakatabing sa mukha nito at iniipit iyon sa likod ng kanyang tenga. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang asawa ko na siya. It had been an impulsive move, but he didn't regret it in the least.

Muling nag ring ang cellphone ko at napag desisyunang tanggapin ang tawag sa labas para na rin hindi ito magising. Magaan na halik ang iginawad ko sa kanyang noo saka kinapa ang cellphone sa nightstand.

"What?" I answered without looking at the screen.

"Where the hell are you?" Hindi ko na kailangan pang tignan sa screen kung sino ang kausap ko dahil kilalang kilala ko ang boses ni Travis.

"Hindi mo ba alam na nakaka istorbo ka?" I almost snapped at him because it was none of his fucking business, pero ng marinig ko ang pagaalala sa boses nito ay sumeryoso agad ako, "Penthouse. What's going on?" lahat ay nagulat sa nangyari kay Kohl at mas lalong humigpit ang seguridad sa paligid namin, baka nag aalala lang sila na hindi ako umuwi kagabi. Hindi parin nila alam ang ginawa naming pag papakasal ni Celine at wala akong balak ilihim ang detalyeng ito sa kanila.

"Get your ass back here now. Roni's gone."

For one breathless moment, I thought he meant dead. Then the actual words penetrated through the fear.

"G-Gone?" Anas ko.

"That fucking piece of shit Pavlik has her." Natigilan si Travis at dinig na dinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga, waring pinapakalma ang sarili. "He said we have twenty-four hours to turn over Quentin's murderer, or they'll kill her like they almost killed Kohl." hindi na naitago ni Travis ang panginginig ng boses nito. Napahigpit ako ng hawak sa cellphone ko.

"Travis, relax." utos ko sa pinsan ko samantalang ako naman ay pumasok muli sa kuwarto at nag tuloy sa banyo. I started to fish out some clothes.

"It's Veronica, Alistair..." iyon lang ang mga salitang binitiwan ni Dean na nakapag palambot sa mga tuhod ko.

Hindi kayang tanggapin ng sistema ko na kayang saktan ni Quilian ang isang babaeng katulad ni Roni. But, as much as he wanted to like Quilian, he couldn't trust the man with his sister's life. The years had a way of changing people. Hindi niya inisip na idadamay nila si Kohl. Ngayon naman ay kinidnap nila ang pinsan ko.

"O-okay, I'm on my way. I have some leads." Inipit ko sa pagitan ng tenga ko at balikat ang cellphone para makapag suot ng pantalon. "I started looking into Quentin's killer. I know it's a woman. She was dressed as a stripper, but none of the other girls in the club knew her." Anas kong muli sa kabilang linya para hindi magising si Celine. Masyado ng marami ang nadadamay at kung kailangang kaladkarin ko ang babaeng iyon kapalit ng kalayaan ng pinakamamahal kong pinsan ay gagawin ko.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi, Alistair!" Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil na rin sa lakas ng pagsigaw ni Travis.

Her Protector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon