6

1.3K 18 1
                                        

Naomie's POV

"Hanna, could you please faster. I'm really effin tired and wanna take some nap." Nakatayo siya sa may pintuan ng room at nag mamadaling sabi sa akin ni Kuya.....or, should I call him ate? Whatcha think, guys?

"The hell I care. Bahala ka diyang bakla ka." I whispered at lalo ko pang binagalan yung pag aayos ko ng gamit ko.

Bahala siya mag hintay diyan. Wala akong pake kung pagod siya or what. San siya napagod? Sa pakikipag landian sa crush ko?

"My dear, bestfriend. Sabi ng Kuya mo bilisan mo kumilos dahil pagod na siya at hindi lalong bagalan. Duaaah!" maarteng sabi ni Katherine sa akin habang nakaupo dun sa upuan ko.

Sabunutan ko tong babae na to eh. For sure, nag papa cute lang to eh. She has an eye for my brother since we were kids but Kuya just kept on ignoring and ignoring her.

"Ito na nga diba? Binibilisan ko na!" mataray na sabi ko habang padabog na inaayos ang gamit ko.

Kanina pa masama ang timpla ko, simula nung nakita ko si Kuya na nakikipag harutan kay crush. Psh. May paakbay-akbay at hawak sa braso pa siyang nalalaman diyan. Siguro siya yung bakla at hindi yung crush ko. Tas idagdag mo pa yung inisnob niya ako.

"Yang kilay mo Nami, paki baba baan ha! Mas mataas pa yang kilay mo ngayon kesa sa eiffel tower." Sarcastic na sabi sa akin ni Katherine na nakataas din ang kilay. Nag pataasan kami ng kilay.

"What ever, Katherine! Gotta go! Don't forget to go to our house, okay? I have a lot of stories to tell you." Sabi ko at lumabas na ng room. Nilagpasan ko lang si Kuya na nakatayo pa rin sa pintuan ng room.

"Hanna! Saglit nga lang, bakit ka ba nag mamadali? ang bilis mong mag lakad eh, kala mo hinahabol ka ng kabayo diyan eh." Naiirita niyang sabi sa akin habang sinasabayan yung mabilis kong lakad.

Napataas ang kilay at lalong kumunot ang noo ko dahil sa kanya. Lumalabas nanaman yung pinakatago tago kong katarayan. I've been hiding it for almost a month because I don't want to get in trouble again. It's bad for my new image.

"As far as I can remember, ang sabi mo kanina na pagod ka at gusto mo mag nap kaya minamadali mo ako kanina. Tas ngayon na nag mamadali mag lakad, tatanungin mo ako ng ganyan. Hay nako!" Iritang sabi ko sa kanya at patuloy na nag lakad ng mabilis. Ang labo talaga ng tao na yan.

Minamadali madali ka kanina, tas ngayon naman na nag mamadali na tatanungin ka ng ganun. People are so unpredictable sometimes.

I felt my kuya stopped from walking and grabbed my arm. "What's your problem? Bakit ganyan ka ngayon?" he asked curiously.

"What's my problem? You're really asking me that. You're really making me laugh my dear brother.... or should I call you Ate from now on? Ang galing mo umarte! Grabe! Napaniwala mo kami na isa kang lalaki talaga. Pero ang totoo isa kang bakla! Isa kang bakla at may gusto ka sa crush ko. Kaya nga gumawa ka ng kwento at sinabi mo sa akin kanina na bakla yung crush ko kasi ikaw ang may gusto sa kanya, ayaw mo ng may kaagaw. My gosh! Shame on you, Kuya. Ano na lang kaya mangyayari kung malaman ni Dad na ang magiging tagapag mana ng company ay isang bakla. Maybe dad will  disinherit you."

"Hanna! Hey! Are you listening to me... Hey! You're spacing out!" sabi niya while waving his hands on my face.

God! Kung ano-ano nanamang drama naiisip ko. Nag de-daydream nanaman ako. Di na talaga ako manunuod ng mga dramas. Kaninis!

"Bilisan mo na nga! marami pa akong gagawin na homeworks." Iritang sabi ko.

Ano ba naman yan Nami. Mga napapala ko sa kakapanuod ng walang kwentang dramas.

He Kissed a Girl and He liked ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon