Dedicated this chapter to sassymaldita, hi sayo. Salamat sa comment ♥ Ngayon nalang ulit ako nakabasa ng ganun. Lecries. Btw, I feel you. Kahit ako ang may gawa kay Justine, naiinis narin ako sa kanya.
Justine's POV
"Girl! Are you okay?!" malakas na tanong sa akin ni Jaeka- Mean girls leader.
Kahit kailan bobita talaga tong babae na to. Sa tingin ba niya okay lang ako? Kung siya kaya ihagis, magiging okay ba siya? At sa pangalawang pag kakataon, nakita ko nanaman ang mala dragong mukha ng pinantasya kong maging father in law dati.
Tinulungan akong itayo ni Thalia at pinagpag ko ang nadumihan kong shorts. Kulang pa nga yung ginawa ko sa anak niya. Kulang na kulang pa. Yung ginawa ko sa kanya, panandalian lang, yung ginawa nila sa akin, pang habang buhay.
She ruined mylife, ourlives. My dad has been depressed since the stock holders pulled out their shares. Lahat ng business men kinausap ni daddy para bilhin yung halos kalahati ng shares pero walang bumili dahil sa kanila. They are so powerful na kaya nilang manipulahin ang lahat. Too bad at hindi nila ginagamit yun sa magandang paraan.
"Nakaganti ka na, Jes." Nakangiting sabi sa akin ni Thalia.
Hindi pa ako nakakaganti. Dahil kung gaganti ako, hindi sa ganung paraan. Dahil ang gusto kong ganti ay yung mas malala pa sa ginawa niya. I will make their lives miserable, too. Just wait for my revenge, Natividad.
Tinignan ko si Thalia ng may seryosong mukha at umiling. "Di pa ako nakakaganti." Seryosong sabi ko sa kanya.
Tinignan ko ulit si Thalia at nag kaintindihan na kami sa tingin na yun. Iniwan na namin ang Mean girls at umuwi na. Nag palit ako ng pang babaeng damit at nag suot ng mahabang wig.
Sa loob ng three months unti unting bumagsak ang pinag hirapang itayo ni Daddy ng dahil lang sa walang kwentang kagustuhan nung bwisit na negrang pusit na yun. At ngayon, ang beach resort nalang ang natitira at nanganganib naring malugi dahil sa mga Natividad.
Matagal ko ng pinag isipan to. Wala akong choice kung 'di ang gawin nalang ang huling paraan para maisalba at maibalik ko ang mga nawala sa amin. Lulunukin ko na ang pride ko at kahit nakakakilabot ang gagawin ko ay wala na akong magagawa kung 'di ang sikmurain ito.
Pag tapos ko mag ayos ay pumunta na kami sa starbucks malapit sa village namin and I saw Jacob sitting in the corner while patiently waiting for us. He grabbed his frappe and started sipping it. I made a deep sigh and went inside the store. Ako lang mag isa ang pumasok at iintayin nalang daw ako ni Thalia sa kotse niya.
Nung nakita niya ako ay napanganga siya. Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang nilalang?
Nginitian niya ako at nag salita na siya,"Bakit gusto mo akong makausap? Namiss mo ko no." Nakangiting sabi niya sa akin.
Ayaw ko na sana siyang makita o makausap pa o kahit sinong tao na nagdadala ng pangalang Natividad dahil isa lang ang nararamdaman ko para sa kanila. Poot.
Sa loob ng tatlong buwan, iniiwasan ko siya. Hindi ko na siya tinitignan, kinakausap at nilalandi gaya ng karaniwan kong ginawa. Alam ko wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari at di niya deserve ang trato ko sa kanya. Pero wala e, isa siyang Natividad at damay siya. Nang dahil sa sakim niyang kapatid, nasira ang pagkakaibigang nabuo namin.
Hindi nag bago ang ekspresyon ng mukha ko at nanatiling seryoso lang ito kaya nawala ang ngiti sa mukha niya.
"I'm willing to date her. But, there's a big but! You'll date me first." Mabilis na sabi ko sa kanya na siyang kinalaki ng mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5792146-288-k159533.jpg)