Hello, friends. Add niyo ko sa facebook or follow me on twitter and let's be best of friends. Mabait ako, promise. ♥
Pag tiyagaan niyo tong update na to a. Medyo feeling ko boring to. Malapit na siya matapos at may book 2 ito. Pero pag sasamahin ko nalang. Sana basahin niyo rin yung iba kong story. Salamat.
I dedicate this chapter to PachuchayTricia17 kinilig ako sa comment niya sa last chapter ♥
Naomie's POV
Kanina pa ako tawa ng tawa na parang baliw dito. Paano ba naman di ako matatawa, paulit ulit kong pinapanuod yung video ni Jl. Tignan lang natin kung di ka sumunod sa akin ngayong kaya kitang hawakan sa leeg.
"Hi, Justine." Nakangiting bati ko sa kanya ng makita siyang nakasandal sa door frame habang naka tingin sa malawak na dagat at may hawak na mug.
"Hi your ugly face!" galit na sabi niya sa akin at inirapan ako.
Di ko na pinansin ang pag tataray niya sa akin at nginitian ko nalang siya. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako ng masama.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at one inch lang ang pagitan ng mga mukha namin. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko at inipit iyon sa tenga ko. Napalunok ako at biglang bumilis ang pag tibok ng pusi ko ng lalo pa niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya kaya napapikit ako.
"Alam mo? Hindi ko alam kung ano ang pinalamon mo sa mommy at daddy ko eh." Bulong niya sa akin na siyang nagpa tindig sa mga balihibo ko dahil sa kanyang galit na boses.
Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong pinapakain sa mommy't daddy niya.
"Anong ginawa mo sa kanila? Bakit kahit kinuha mo na ang lahat sa amin ay tanggap ka parin nila?" galit na galit at madiing sabi niya sa akin habang pinapadaan niya ang index finger niya sa buong mukha ko.
Ayun pala ang ibig niyang sabihin. Ayun ang pinag tataka niya? Na kahit kinuha ko na ang lahat sa kanila ay hindi parin sila nagagalit sa akin?
Flashback.
Ikalawang araw na yun ng pang bubully sa akin at di ko na matiis kaya nag paalam at nang hingi ako ng gate pass sa guidance councilor namin. Pagka labas ko ng gate ng school ay biglang may nang harang sa aking isang itim na sasakyan at biglang binaba ang bintana nito.
"Ms. Natividad." Nakangiting bati sa akin ng daddy ni Justine. Gwapo din ang daddy ni Justine gaya niya at magka mukhang magka mukha sila.
Nag taas lang ako ng kilay sa kanya at di siya pinansin. Nag lakad ako papuntang parking lot sa labas ng school para mag pahatid na ng harangan ulit ako ng kotse niya.
"Ano ho bang kailangan niyo?" iritang tanong ko sa kanya.
Kung nandito siya para kausapin ako tungkol sa shares shares na yan sa company nila, mali ang taong nilapitan niya. Ano bang alam ko diyan? Sila lang naman ni Daddy ang magka usap at labas na ako diyan. Nabalitaan ko rin na nag pull out na si Daddy pati ang ibang stock holders.
"Can we talk?" mahinang tanong niya sa akin at pinag buksan ako ng pintuan.
Huminga ako ng malamim at pumasok sa kotse niya. Wala naman sigurong mawawala o mangyayaring masama sa akin pag sumama ako sa kanya. Kung may mangyari man sa akin, alam na agad ang suspect.
Dinala niya ako sa isang coffee shop malapit sa school. Karamihan ng customers na nandito ay college students ng school na pinapasukan ko. Pumunta kami sa pinaka gilid ng shop at sa hindi masyadong pansinin. Umupo siya doon pero ako ay nakatayo lang sa harapan niya.
