Justine's POV
Sabi nila pag bakla, salot. Pag bakla salot agad? O.A lang, teh? Eh yung mga nag sasabi nga niyan ay mas mukha pang salot sa'min. Sarap nilang pektusan sa uvula. Atleast kami may pakinabang, eh kayo ba meron?
Sabi din nila ang pagiging bakla ay isang malaking kasalanan sa Diyos dahil dalawang uri lang naman daw ng kasarian ang ginawa niya at 'yun ay ang lalaki at babae. Bakit, kasalanan ba naming mga nasa third gender, na makaramdam ng ganito? Hindi naman diba? Kung dalawang kasarian lang ang ginawa ng diyos, bakit nandito kami? Tsaka kung tutuusin, lalaki parin naman kami, yun nga lang pusong babae.
Kung makapang husga kayo sa gaya namin kala niyo napaka perpekto niyo. Hoy! Wag kayong mag malinis dahil mas mabaho pa kayo sa nabubulok na pagkain.
Naputol ang malalim na pag iisip ko ng bigla akong tawagin.
"Candidate number 50, Philippines!" masiglang sabi nung host na nasa gawing kaliwa ng stage.
Ngumiti ako ng matamis at nag umpisang mag lakad sa buong entablado para iparada ang napaka gandang mukha at ipangalandakan sa buong mundo na ako ang representative ng napakagandang bansa ko. Isa 'to sa mga pangarap ko, ang maging representative ng bansang 'to at itaas ang bandera ng kabaklaan sa Pilipinas para 'di na kami makaranas ng pang lalait sa mga taong makikitid ang utak. At para rin ipamukha sa karamihan na may silbi kami at may ibubuga.
Huminto ako sa gitna ng entablado at nilibot ko ng tingin ang buong audience na nagsisipalakpakan at nag sisigawan. Hinawakan ko ang microphone at huminga ng malalim bago ko ipakilala ang sarili ko sa buong mundo. "Jessica Loisa Silvero, representing the beautiful country of the Philippines. MABUHAY!" malakas na sabi ko at binigyan sila ng isang napaka tamis at mala anghel kong ngiti.
Matapos ko ipakilala ang sarili ko ay tumalikod na ako at bumalik sa pwesto ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at rinig na rinig ko ito. Sino ba namang hindi kakabahan diba? Halos buong mundo ay nakatutok sayo. But I still couldn't believe that I am the chosen one. They chose me to be the representative of the country. I am going to be the next Kevin Balot. Who would have thought that a simpleng gay na patago kung mag ladlad ang mapipili para dito diba? Aba! Achievement itech!
Medyo naiinip na rin ako dahil ilan kaming mag papakilala isa-isa. Nakakatamad at nakakangalay kayang tumayo 'no! Idagdag mo pa 'tong 5 inches heels ko. Ikaw, try mo tumayo dito ng hindi ka magka muscle sa binti.
After couple of minutes we went back to the back stage to change our clothes. Next, swimsuit pageant. Kinakabahan ako, sobra. Yung tibok ng puso ko 'di na normal. Baka mamaya himatayin nalang ako dito sa sobrang kaba ko. I sat down infront of the vanity mirror and started to massage my legs. Mahirap na, mamaya makaramdam ako ng cramps dun at mapahiya pa ako. Di lang ako syempre ang mapapahiya pati ang Pilipinas.
I started to wear my swimsuit. Pag tapos kong mag bihis ay sinuklay ko ang napaka haba at napaka kintab kong buhok. Di na ako nag paayos. Sabi nga nila diba, simplicity is beauty.
After 1234567890 hours, this is the most awaited part, the question and answer. Alam ko, lahat ng tao ito ang pinaka iintay. Miski ako ito rin, dahil dito nasusukat ang talino ng isang tao. Bakit ka pa sasali sa ganito kung wala ka namang talino diba? Ipapahiya mo lang ang sarili mo lalo na ang bansang nirerepresent mo.
Kinakabahan ako, paano kung hindi ako makasagot? I need to bring home the crown dahil hindi lang babae ang kayang mag uwi nun, pati rin kami. And I don't want to disappoint my country.
Ito na, susunod na akong tatawagin. Lord, please. Let me win this contest. I want them to make proud of me lalong lalo na ang tatay kong kinamumuhian ako ngayon.
