30

588 20 5
                                    

Kung may time kayo, sana basahin niyo yung dalawa kong stories, Unexpected Love at Torn between two lovers ♥

Justine's POV

Jessica, gumising ka sa kahibangan na yan! Itigil mo yan! Isang malaking kasalanan ang ginagawa mo! Babae ka, babae siya at higit sa lahat, mortal mo siyang kaaway. Siya ang sumira sa buhay mo.

Unti-unting nag flashbacks ang mga ginawa niya sa akin. Kung paano niya ako bwinisit sa araw-araw, kung paano niya pinahirapan ang pamilya ko, kung paano niya sinira ang buhay ko, kung paano niya mabilis nakuha ang lahat ng meron kami at  ang huli, kung paano kami nagka sira ng daddy ko. Bumalik lahat... Lahat lahat ng galit na inipon ko sa sarili ko.

Dumilat ako mula sa pagkakapik dahil sobrang dalang dala na ako sa mga halik niya. I stopped kissing this evil witch while she's still kissing me. Tinulak ko siya ng sobrang lakas at napa upo siya dahil hindi niya inaasan to. Napatulala siya sa akin at di makapaniwala.

Kinuyom ko ang mga palad ko dahil sa tindi ng poot na nararamdaman ko sa kanya. I want to slap her hundred times, I want to rip her apart, I want to pull her hair until her sculp bleeds, I want to drag her to hell! Gusto kong ipadama sa kanya lahat ng sakit na pinadama niya sa akin. Gusto kong pag sisihan niya na kinalaban niya ang tulad ko.

Nang makalapit ako sa kanya, tumango ako at hinila ng sobrang lakas ang mahaba niyang buhok patayo. Sinabunutan ko siya ng sobra at kinaladkad papuntang dagat. Dun ko siya gustong banatan.

Hawak niya ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa buhok niya habang humihikbi. "Justine, masakit... Ta-ma na." Umiiyak na sabi niya sa akin habang kinakaladkad ko siya.

Tama na? Di ako tanga para tumigil sa ginagawa ko. You f-ucking deserve this! Hindi ako susunod sayo gaya ng pag sunod ng buong pamilya ko sayo. Hinding hindi.

Nang makarating kami sa dagat ay binitawan ko ang buhok niya at tinulak siya ng malakas kaya na out of balance siya at napaupo. Nilapitan ko siya at sinampal ng malakas. Nang hindi pa ako nakuntento, sinampal ko ulit siya sa kabila niyang pisngi. Hanggang sa nakarami na akong sampal sa kanya. Nakita ko ang pag agos ng dugo mula sa kanyang pumutok na labi, pero wala akong pakealam.

"Justine, tama na! Nasasaktan na ako." Humahagulgol na sabi niya sa akin habang hinahawakan ang pumutok niyang labi.

"Nasasaktan ka? Wala akong pake!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Wala akong ibang nararamdaman, kung 'di poot. Poot para sa kanya. Dahil sa lahat ng kasakiman niya.

"Ma-awa ka!" hirap na hirap na sabi niya habang kinakalmot ko ang mukha niyang pilit niyang prinoprotektahan mula sa akin.

Kulang pa to. Kulang na kulang sa lahat ng nangyari sa akin. Almost four months akong nag tiis makitira sa mansion nila Thalia dahil sa kasakiman niya at hindi ako titigil hanggat di nabubura ang napaka inosente niyang mukha.

"Maawa? Naawa ka ba sa akin?!" galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Pinipilit kong maging malakas sa kabila ng sakit na nararamdaman ko mula sa pang bubugbog sa akin ni Daddy kanina.

Ang tagal tagal kong itinago ang tunay kong pagkatao. Ang tagal akong prinotektahan ni Mommy para lang di mabunyag ang totoong pagkatao ko, pero dahil sa kanilang magkapatid, nawala ang lahat.

"Tama na, Justine.. Kung gusto mong lumayo ako, lalayo na ako..." Umiiyak na sabi niya habang nginungudngod ko ang mukha niya sa maalat na tubig dagat.Tignan natin kung 'di ma doble ang hapdi ng sugat mo na nababasa ng tubig dagat ngayon.

"It's too late, Natividad. You wrecked everything and I will f-ucking wreck you, too." Gigil na gigil na sabi ko sa kanya.Gusto ko siyang patayin ngayon!

He Kissed a Girl and He liked ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon