Hello, guys! Sino marunong gumawa ng cover? Pwedeng pa gawa para sa book 2. Message me sa marunong. Thanks ♥
Her feelings.
Justine's POV
Kunot ang noo ko habang nag lalakad pabalik sa beach house namin. Lintik talaga yang babaitang yun. Wala ng ibang ginawa kung 'di ang pahirapan ako. She really loves to see other people suffer.
Habang nag lalakad ako sa part ng beach resort namin, ang daming babaeng tumitingin sa akin at sa klase ng tingin nila parang nila akong hinuhubaran at kinilabutan ako doon. Sus maryosep! Sarap pag babatuhin ng buhangin yung mga mata nila nang di na sila makatingin sa akin. Meron din namang babae na tumutili sa dinadaanan ko at nakakabwisit ito. Sarap salaksakin yung mga ngalangala nila ng sagwan. Jusko! Lalong umiinit ang ulo ko sa kanila.
Napahinto ako saglit sa mga kalalakihang nag lalaro ng volleyball. Bigla nalang akong napalunok at napa lip bite sa magandang tanawin sa aking harapan.Mga naka topless sila at nag lalaway ako sa mga abs nila. Shit! My weakness! Pero dahil bad trip ako ngayon, nag lakad nalang ulit ako para makabalik na sa beach house namin. Kung nasa good mood ako, baka umupo pa ako sa harapan nila at pinanuod kung paano mag flex amg mga abs, biceps at triceps nila. Kaya lang hindi ko ma enjoy ang magandang scenery ngayon e.
Dire-diretso ako hanggang marating ko ang bahay at medyo hiningal din ako dahil dulo dulo ang nilakad. Nang makarating ako sa bahay, dumiretso ako sa kitchen para uminom ng sobrang lamig na tubig.
"Where's Hanna?" tanong ng tao sa likuran ko ng siyang ikinagulat ko.
Muntik na akong mapatili at mabitawan ang baso ng dahil sa gulat. Shit! Muntik ng mabuko ni Daddy ang deepest and darkest secret ko. Langyers, bakit kasi nang gugulat e.
"She's in the resort." Mahinang sabi ko habang hinihimas ko ang chest ko. Ang aking super duper flat chest. Kelan kaya ako magkaka boobs? After college o pag 18 na ako? Tanga, Jessica, malamang pag tanggap ka na ng daddy mo.
Tinignan ako ni Daddy at kumunot ang noo. "Why did you leave her there?" tanong niya sa akin habang naka sandal sa pader.
"She wants to be alone." Pagsisinungaling ko sa kanya at nilapag ang baso sa sink.
Ano pa bang kailangan sa akin ni Daddy? Di ba dapat matuwa na siya kasi maibabalik na sa kanya ang mga nawalang assets namin? Alam ko may kailangan pa siya sa akin kaya niya ako kinakausap ngayon. Di naman yan mag aaksaya ng oras kung wala e.
"Son, you made me so proud of you!" masayang sabi ni Daddy sa akin at niyakap ako.
Nagulat ako sa ginawa niyang pag puri at pag yakap sa akin dahil ngayon lang niya ginawa ito. It was the first time he said that he's so proud of me. Naiiyak ako sa sinabi niya. Kasi after all these years, narinig ko narin sa wakas ang mga salitang matagal ko ng inaasam na marinig mula sa kanya. I've been seeking for his attention since I was kid, pero makukuha ko lang ang atensyon niya pag mag kakamali ako.
"Thank you, dad." Tuwang tuwang sabi ko sa kanya at pinipigilan ang maiyak dahil sa saya.
Tinapik niya ang balikat ko at tinanguan ako at iniwan na akong mag isa sa kusina. Nang masiguro kong wala na siya ay di ko mapigilang mapa sayaw ng oops kiri woops at kumembot kembot pa.
"Justine!" malakas na sigaw sa pangalan ko at napahinto ako sa pag sayaw at na estatwa. Dahil din sa boses na yun ay bumilis ang pag bilis ng tibok ng puso ko at dahan dahan akong lumingon na akala mo ay multo ang titignan.
"Jacob!" inis na sabi ko sa kanya at inirapan siya.
Siguro kung di niya ako binugbog baka nag tititili na ako sa mga oras na ito at tumakbo papunta sa kanya para mayakap at chansingan siya. Pero hindi e, I am so effin mad at him. Buti nalang walang nangyari sa mukha ko na pambato para sa Miss International Queen 2016 kung 'di, di ko talaga siya mapapatawad hanggang sa hukay.
BINABASA MO ANG
He Kissed a Girl and He liked It
Ficção AdolescenteOne kiss can change a lot of things.