Justine's POV
"What did you just say, Jacob?" gulantang na tanong ni Daddy kay Jacob.
Shutanginerns! Jotay na jotay na akez nitey! Bakit kasi ngayon pa sila sumulpot. Okay sana kung si Daddy lang ang nandito, dahil for sure, di naman niya ako makikilala sa ayos ko. Kung si Negritang Hanna nga na obsessed na obsessed sa akin ay di ako nakilala, si Daddy pa kaya?
Shutanginerns mo Jacob! Bakit kailangan mo pang magulat na nakita mo ako sa ganitong ayos? Di ka pa ba sanay na ganito ang itsura ko? Imposibleng di ka sanay sa ayos ko na ganito, e halos pag nag bibihis girlalu ako, ang tropa lang naman natin ang kasama ko. Maybe it's part of their god damn plan! I'm ow so f-ucking dead!
Habang nakapikit ako ng mariin dahil sa tindi ng kaba ay nararamdaman ko ang isang masamang tingin na ipinupukol sa akin. Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko para tumakbo ng mabilis ng makaalis sa kintatayuan ko. Para kong isang estatwang di makagalaw dahil kay Jacob.
"Justine?!" malakas na sigaw ng isang taong kinatatakutan ko sa buong buhay ko. Isang taong ayaw na ayaw sa kung ano ang tunay kong katauhan.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata kong mariing nakapikit at halos malaglag ang puso ko sa sobrang sama ng tingin sa akin ni Daddy.
"Justine?!" sigaw niya ulit at hinding hindi makapaniwala.
Sa sobrang takot ko ay napayuko nalang ako. Di ko alam kung anong mangyayari pag tapos nito. Pero alam ko, pag tapos ng araw na ito, may malaking pag babago ang magaganap.
Naramdaman ko nalang ang isang malakas na suntok na dumapo sa mukha ko. Sa sobrang lakas ay napaupo ako sa sahig at halos malagas ang magaganda, mapuputi at pantay na pantay na mga ngipin ko sa lakas ng impact ng suntok ni Daddy.
Nag angat ako ng tingin at may mga mangilan ngilang customers at employees ng resort ang nakaagaw ng atensyon namin. Nang mabaling ang tingin ko sa mortal kong kaaway ay gulat na gulat ang reaksyon niya.
Itinayo ako ni Daddy sa pamamagitan ng pag hila sa akin at nakaramdam nanaman ako ng isang suntok galing sa kanya. Napadausos ako dahil hindi kinaya ng katawan ko ang lakas ng suntok niya. Tinadyakan niya rin ako ng malakas.Nakaramdam ako ng sakit, pumutok narin ang ibabang labi ko dahil nakakaramdam na ako ng lasang kalawang sa bibig ko.
Di pa nga magaling yung mga pasa ko na gawa ni Jacob, ito nanaman ang panibago.
"Is this the reason why you didn't want to date her?" galit na galit na sigaw niya sa akin at nang lilisik ang mga mata habang tinuturo si Hanna na hanggang ngayon ay gulat parin. Nakasalampak lang ako sa sahig at nakatulala sa galit na galit kong tatay.
Oo, ito ang dahilan kaya ayaw ko gawin ang isang pabor na hinihingi mo sa akin. Dahil hindi ko maatim na makipag date sa isang babae na alam kong patay na patay sa akin. Iniisip ko palang iyun ay gusto ko ng masuka dahil sa kilabot.
"I told you that you can do anything you want as long as it is moral!" sigaw niya muli at hinila nanaman ako patayo.
Paulit ulit niyang sinasabi sa akin yan nung bata palang ako. Na hahayaan niya ako sa mga bagay na gusto ko as long as it is moral. Bakit kasalanan ko bang maging ganito? Ginusto ko ba maging isang berdeng dugo? Hindi! If didn't wish for this. Basta pag gising ko nalang isang umaga, lalaki na ang gusto ko.
Kinaladkad niya ako papalabas ng hotel habang tinatanggal ang mga strands ng hair extensions ko at ang sakit sakit nito sa ulo. Para bang pati sculp ko ay sasama. Habang palabas kami ng hotel ay halos lahat na ng mga customers namin ay nakikichismis na sa amin.
"Kaya pala kahit mag hirap tayo, wala kang pake. Kasi isa kang bakla!" sigaw niya habang kinakaladkad ako papuntang beach house namin kung saan ay walang tao na makikichismis sa amin at malaya niyang magagawa ang gusto niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/5792146-288-k159533.jpg)
BINABASA MO ANG
He Kissed a Girl and He liked It
Подростковая литератураOne kiss can change a lot of things.