Epilogue

675 23 7
                                    

Justine's POV

Hanggang ngayon sariwa parin ang mga nangyari sa amin. Paulit-ulit nag fla-flashbacks sa utak ko yung mga yun. How Hanna and I met. How she messed my everyday life. How she blackmailed me. How the whole students bullied her. How she planned every damn thing to get me. How much we suffered because of bankruptcy. How we hurt each other. How my dad beaten me up when he found out my real color. How I beaten her up until she begged me to stop.How I kissed her in a harshed way and how she responded. How she bid her sad good bye and kissed me again.

Lahat yan, parang kahapon lang nangyari. Isang taon na rin ang nakakalipas simula ng nangyari ang lahat lahat. At aaminin ko, hindi na ako magpapakaipokrito, I kinda miss her. Yung pangungulit niya sa akin sa araw-araw na ginawa ng diyos. Yung klase ng ngiti niya sa akin sa tuwing nakikita niya ako, yung ngiting napaka inosente kung makikita mo. I badly miss everything about her.

Isang taon na simula ng umalis siya at sa isang taon na yun, sobrang dami ng pag babagong nangyari sa akin. Sa loob ng isang taon, hindi ako pumalyang hanapin siya pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan siya. Madami na akong tinanong na tao kung nasaan siya, pero pare-pareho lang ang sagot nila sa akin na 'Sorry, di ko alam e.' Even her family doesn't know exactly where she is. Para bang nag tatago siya, pero hindi ako naniniwala na hindi nila alam kung nasaan siya. Imposibleng hindi nila alam yun.

Aaminin ko na, unang kita ko palang sa kanya nung nasa rooftop ako, nagandahan na ako sa kanya pero isinantabi ko yun dahil ako lang dapat ang maganda nung mga panahon na yun. Nung nakita ko silang mag kasama ng ex ultimate crush ko noon, tinanim ko sa utak ko na, she needs to get out of our school bago pa niya makuha si Jacob. Dahil akin lang si Jacob.

The day she confessed her feeling to me, natawa ako sa isipan ko, isang tawang punong puno ng sarcasm dahil sa sinabi niya. Akalain mo yun, isang babaeng sobrang ganda, maiinlove sa isang bakla? Isang malaking kahibangan diba? Pero nung araw na umamin siya sa akin, para bang may kung anong kakaibang nangyari sa sarili ko na hindi ko malaman kung ano.

Simula nung nag confessed siya sa akin, she never left my mind at parang unti unting may nag babago sa akin at yun ang lalo kong ikinagalit sa kanya. Isinantabi ko lahat yun dahil nga nakatanim sa utak ko na isa akong gaya niya.

Hanggang sa binuo ko ang planong Welcome to hell na hindi na natuloy dahil sa kapatid niyang pinapantasya ko noon.

Sinabihan ko din siyang lumayo sa akin dahil naiirita ako sa presensya niya. Dahil sa tuwing nasa malapit siya, bigla nalang akong kinakabahan na wala namang dahilan kaya lahat ginawa ko para lumala ang inis o galit na nararamdaman ko sa kanya.

Hanggang sa padami na ng padami ang mga nangyayari bawat pag daan ng mga araw. Naging obsessed siya at ginawa ko yun isa sa mga dahilan para lalong tumindi ang galit ko sa kanya.

Hanggang sa tumindi ng tumindi ang pangyayari at dumating sa point na naging sakim siya dahil sa pag ibig niya sa akin at kinuha niya ang kung ano ang mayroon kami at tumindi ang galit ko sa kanya to the point na tinulungan ako ng bully sa school para tumiklop siya.

"Thinking about her again? Cupid really hit you a." Maarteng sabi ng kakarating lang na si Thalia at umupo sa harapan ko. Tinanguan ko lang siya at bumuntong hininga.

"Alam mo, Jess... I mean, Justine, I'm still effin sad. Look at you," malungkot na sabi niya sa akin at tinuro ako. "You changed a lot and you've left me hanging..." Sabi niya at nag palumbaba.

Isa na akong lalaki ngayon. Hindi dahil kay Hanna, dahil sa daddy ko. I want to gain his trust again. Gusto ko ngayon, pag nag kita ulit kami, gusto ko isigaw niya sa buong mundo na proud siya sa akin.

Maraming nagulat at nagulantang sa pagbabago ko. Nung una, hirap na hirap ako pero dahil sa tulong ni Jacob ay nagawa ko. Nag kaayos narin kami at naibalik na ang nasirang pagkakaibigan namin at lagi niyang sinasabi sa akin na 'wag kang mag alala, babalik din ang kapatid ko.'

Simula nung nag paalam si Hanna sa akin, napatunayan ko sa sarili ko na, I have feelings for her. I just kept on denying it to myself dahil nakatanim na noon sa utak ko na si Jacob lang ang mamahalin ko. Her goodbye kissed made me realized my real feelings toward her kaya simula nung araw na yun, hindi ko makalimutan ang lahat lahat. Lahat ng sinabi niya sa akin habang umiiyak at hirap na hirap siyang mag salita ay parang isang plaka na paulit ulit sa utak ko. Yung halik na binigay niya sa akin bago siya tuluyang umalis na hinihiling ko na sana ay maulit muli.

"Wala e, pinana ako ni kupido." Natatawang sabi ko sa kanya at umiling iling. "And I didn't leave you, Thalia. We're still bestfriends. Wag ka lang maiinlove sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya at tinawanan siya.

Tinapik ko siya sa balikat at tinanguan. Iniwan ko na siya at nag punta sa roof top kung saan una ko siyang nakita. Kung saan una ko siyang sinungitan pero tinawanan lang niya ako.

Cupid hit me so damn hard. Kailan ko kaya ulit makikita ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya at lalong lalo na siya? Kelan ko kaya ulit mararamdaman ang pag dampi ng malambot niyang labi sa labi ko?

Simula ng araw na nahalikan ko siya, lalong nagulo ang tahimik kong mundo.

Sabi niya babalik siya, pero bakit hanggang ngayon wala parin siya? Di pa ba sapat yung isang taon para sa time and space na sinasabi niya? Kasi sa akin sapat na sapat na yun at sobra sobra pa, kasi napatunayan ko na mahal ko na siya. At napatunayan kong mahal ko siya at isa na akong ganap na lalaki when I kissed a girl and I liked it.

The End.

A/N: Wag kayong ma disappoint sa ending ng story kasi may book 2 pa to. Di ko lang sure kung kelan ko ipopost ang prologue ng book 2.

MARAMING SALAMAT PO sa mga sumubaybay mula sa umpisa hanggang sa huli. Sa wakas at natapos narin to. Actually, sobrang layo nitong revised version dun sa una kong ginawa. Hahaha.

Maraming maraming salamat po ulit. Sana basahin niyo rin yung iba kong stories ♥

He Kissed a Girl and He liked ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon