Be careful what you wish for

4.8K 75 2
                                    

I don't really care... 


Madalas na sabihin ng taong nakapalid sa'yo na huwag laging puso... ang isip ay inilagay daw ni God nang mas mataas sa puso kaya dapat na ito ang sundin at unahin... Pero paano kung hindi mo na mapigil yung pagtibok ng puso mo sa tuwing makikita at makakasama mo s'ya, yung tipong palagi ka na lang na-a-ADRENALIN RUSH... Mahirap diba? Yung halo halong pakiramdam tulad ng tuwa kasi nakita mo s'ya, kaba kung mapapansin o makikita ka nya, kilig after ninyong magkita na may halong pagpapadyak pa at afterwards ay galit kasi di ka nya napansin... In most situations, puso ang nangingibabaw... Pero kailan nga ba dapat na isip naman muna... Siguro kapag it's complicated ang love story ninyo... 

Wednesday na naman... MWF din ang major ko... Sabi ng aking prof. sa major, dapat daw iyon ang aming maging favorite subject. e paano ba naman magiging favorite subject, e napaka-h*rap naman... Pero challenging... Magulo ba? Di noh, konting analyze lamang yan tulad ng madalas naming ginagawa... At tenenen... my religion na naman...

KRiiiiiiiinggggggg!!!!

Nagbell na pero wala pa din si prof.

"Oh nasan na ang ating HOT na prof?" asked Hannah na mukhang excited na excited sa magiging discussion namin ngayon...

"Baka natraffic?" sagot naman ni Fey while fixing her things inside her bag ako naman maayos lang na nag-iintay still wondering kung iniisip pa rin ni sir ang mga nasabi ko last time sa class nya. 

"Weh!!!! Di yan... Dapat maging responsible naman sya sa time."  singit ni Aira, one of my friends na sobrang tahimik but I admire her kasi antahimik nya nga at matangkad pa. Medyo hindi kasi ako nabiyayaan nun... 

"Oiiiii, baka may bago na naman tayong prof. just like last sem na nakailang palit tayo ng prof.? What do you think?" mapag-isip namang katanungan mula kay Hannah... Pwede!!! Tama s'ya, baka may bago na naman kaming prof.

Hindi ba ako malulungkot? Bakit naman ako malulungkot kung may bago na kaming prof. Ibig sabihin lang naman nun ay wala na s'ya at may papalit na naman sa kanyang iba... Anong dapat kung ikalungkot and besides wala namang namamagitan sa aming dalawa... Immaterial naman siguro kung sasabihin ko na yung nangyari last time ay maaari nang maituring na connection between us pero ako lang naman ang nag-aassume 'non... We're not thinking the same. 

"Grabe naman ah, may bago na namang prof.. Wala na ba tayong subject na mapapasukan na hindi nagpapalit ng prof. kahit sa isang sem lang?" singit naman ni Jonathan na mukhang naiinis na.

Hindi mo naman kami masisisi... Mahirap din sa amin ang mag-adjust lalo na at kilala mo na ang prof. mo at may something na nga na pwedeng mabuo. (Ano ba, wala nga diba.. Erase!! Erase!!) Pero sa totoo lang, mahirap talaga lalo na't matagal mo nang nakasama, mabuti nang umalis sya ngayon habang maaga pa at hindi pa ako nahuhulog sa kanya. Char!!!

Parang nung isang araw lamang humiling ako na sana hindi na maulit ang nangyari noong araw na 'yon at mukhang narinig yun ni Lord at tinupad nya kaagad... Di ko ba nasabing JOKE lang po 'yun??? Hindi yata... 15 minutes na ang nakakalipas at wala pa din akong nakikitang anino nya... Yumuko na lamang ako kasi inaantok na din ako sa pag-iintay sa pagdating nya... Tahimik ang lahat when I suddenly raise my head to see my classmates at saktong may nakita akong figure of a man na hindi ko inaasahang makikita ko... Kala ko wala nang dadating... Sayang pumasok pa sya... Noong makita ko sya, nagpapadyak ako... You know why? Kasi naiinis ako...

My Professor becomes my Suitor!?! (Based on real experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon