(august 17, 2007)
Okay lang ako, dito sa piling mo
Matalik mong kaibigang nagmamahal sa'yo
Kahit sa ating sitwasyon, di ako kuntento
Darating din siguro ang oras na ako'y mamahalin mo
Okay lang ako, lalo ngayong nakita ka
May dalang bulaklak, may bitbit na gitara
Umupo ka sa tabi ko at ngumiti ng maganda
Kinabahan ako dahil may sasabihin kang mahalaga
Isang awit ng pag-ibig ang iyong ginawa
Sa sobrang tuwa, ako ay hindi nakapagsalita
Pero nang matapos ang kanta, biglang nagtanong ka
"Ano sa palagay mo, BEST, magustuhan niya kaya?"
Sa aking narinig, parang tumigil ang mundo
Gusto kong pigilan pero pumatak ang luha ko
Nagtanong ka kung bakit, di ko sinabi ang totoo
Sabi ko "Okay lang ako, nakakaiyak kasi yang kanta mo!"
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PoetryIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall