(April 12, 2017)
Minsan sa buhay ko, nabihag ako ng isang gaya mo
Walang ibang nakakaalam dahil aking itinago
Iyon ang nararapat dahil sa paningin ng lahat ay mali ito
Walang puwang sa makitid na pag-iisip ng ating mundo
Sinadya kong huwag alamin ang iyong pangalan
Para hindi na lumalim pa ang nararamdaman
Ngunit sa tuwing nakikita ko ang iyong pagdaan
Humihinto ang oras at ang nakikita ko ay ikaw lang
Ganito pala kahirap pag itinago ang isang pagsinta
Ilang taon na ang lumipas, heto't naaalala ko pa
Itinatanong sa sarili kung kasalanan ba ang nagawa
Ang mahalin ang isang taong sa akin ay hindi itinakda
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PoesíaIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall