(April 16, 2017)
Sino ba ako para mapansin ng isang gaya mo?
Kumpara sa dating hara, ako ay napakaordinaryo
Pero ayaw makinig ng suwail kong puso
Ang tanging hanap nito ay ang Rama ng Sapiro
Dapat bang mangarap ang isang Punjabweng gaya ko?
Na maging karapat-dapat sa isang maharlikang engkantado
Mabigyan ng tsansang maging parte ng iyong mundo
At muli kong mayakap maging si Lira na anak mo
Siguro nga ay matatawag na itong isang kahibangan
Isang pangarap na imposibleng maging katotohanan
Pero aking Ybrahim, paano nga ba magagawang pigilan?
Ang pagtibok ng aking puso na sa iyo'y nakalaan
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
شِعرIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall