September 29, 2017
Ngiti mong mas matamis pa sa glazed doughnut
Iyan nga ang lagi kong hinahanap-hanap
Kahit alam kong diabetes ang siyang katapat
At sa kalusugan ay isa kang pahamak
Pag-ibig mong parang kape sa sobrang init
Nakakaadik at sa kilig ay namimilipit
Sa gunita ko ay palaging sumisingit
Sasabayan pa ng tingin mong kay lagkit
Kaya naman napapadalas ang aking pagtambay
Para-paraan lang para sa iyo ay makasilay
Salamat na rin at may libreng pa wifi
Kaya naman sulit na ang bayad na ibibigay
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PuisiIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall