TULA NI AQUIL

90 6 5
                                    


(April 12, 2017)


Kay layo mo, aking hara

Kahit nariyan ka lang sa aking harapan

Tila milya-milya ang nakapagitan

At imposible kitang malapitan


Bakit ikaw pa, aking hara?

Ang bumihag sa aking pusong pihikan

Ikaw na di ko maaaring pakasalan

At di ko maaangkin kailanman


Hanggang kailan, aking hara?

Hanggang kailan tayo mahihirapan?

May pag-asa pa bang malampasan

Ang pagsubok sa ating pag-iibigan?


E corre diu, aking hara

Iyan ang lagi mong tatandaan

Ipagbawal man at pilit nilang hadlangan

Walang magbabago sa aking nararamdaman


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Scattered Scratch Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon