(April 29, 2017)
Bakit ikaw pa ang hinahanap?
Ikaw na hindi ko naman pinangarap
Ano nga ba ang hiwagang nagaganap?
Sagot ay saan mahahagilap?
Bakit sa'yo pa nabighani?
Gayong magkaiba tayo ng lipi
Pati paniniwala at ating ugali
Kaya sa pagtatalo laging nauuwi
Bakit sa dinami-dami ng engkantada
Ang napili kong ibigin ay isa pang hara?
Kinain tuloy ang aking naunang salita
Ngayon, ang puso ko'y wala ng kawala
Maging ang aking rehav ay naguguluhan
Ano daw ang nangyari sa magiting na Azulan?
Pagbabago ko'y pag-ibig ang siyang dahilan
At tanging si Pirena lang ang may kasalanan
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PuisiIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall