(April 27, 2017)
Isang batas na kay lupit
Pumipigil sa ating paglalapit
At tunay na napakasakit
Ang sa tungkulin ay mapiit
Isang koronang kay bigat
Ngunit buong puso kong tinanggap
Kahit kapalit ay isang sugat
Sa pusong ikaw ang siyang hanap
Isang pag-ibig na ipinagbabawal
Ang sa aki'y unti-unting sumasakal
Nagsusumamo na ang pusong pagal
Nananabik sa yakap mo't pagmamahal
Isang sang'greng nakatanikala
Sa batas na kayo ang may gawa
Aking ninuno at sinaunang diwata
Bakit ba kailangang magdusa ng hara?
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PoetryIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall