WHAT IF

111 5 0
                                    


(April 3, 2017)


Paano kung hindi kita nilayuan?

Paano kung sarili ay aking pinagbigyan?

Ikaw at ako pa rin kaya sa kasalukuyan?

Tayo kaya ang sa huli'y nagkatuluyan?


Paano kung nagawa kong umamin

Na ikaw ang siyang laman ng damdamin?

Mababago kaya ang kapalaran natin

Upang ako at hindi na siya ang iyong kapiling?


Pero ano pa ang saysay ng pagtatanong?

Magkaiba na ang landas na ating sinusuong

Hindi na maibabalik ang lumipas na panahon

Wala na ang pag-ibig na sa limot ay iyong ibinaon

Scattered Scratch Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon