(July 14, 2017)
Bakit ba nagmamadali ang henerasyon ngayon?
Ang hilig sa fastfoods at mabilisang relasyon
Nilaktawan, kinalimutan ang mga kaugalian noon
Saan ba patungo ang nagbabagong panahon?
Parang instant noodles ang tingin nila sa pag-ibig
Madaling tikman, lagyan lang ng mainit na tubig
Kapag nadisgrasya at napaso ang bibig
Hindi yan magagamot ng isang kutsaritang kilig
Sa makabagong mundong puno ng trends at hugot
Sana nga ay mapigilan ang tuluyang pagkalimot
Buhay ay wag paikutin sa gadgets na kinakalikot
Malawak ang mundo, harapin natin ng walang takot
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PoetryIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall