(July 9, 2017)
Sinubukan ko naman
Na ikaw ay aking magustuhan
Ngunit hindi nakayanan
Na sarili ay aking paglalangan
Mabuti kang kaibigan
Hindi ikaw ang nagkulang
Sadya lang walang naramdaman
Itong puso kong napakapihikan
Ayaw man kitang saktan
Ngunit ito ang katotohanan
Huwag na nating ipagpilitan
Ang pag-ibig na hindi kayang suklian
BINABASA MO ANG
Scattered Scratch Papers
PoetryIt's all about love, heartbreak, hope.. and yes, iba't ibang uri ng kadramahan sa buhay. Hehe ^.^ Enjoy reading! Lime_Snowfall