SEENZONED

125 5 0
                                    


(April 1, 2017)




Sa hallway, tayo ay nagkasalubong


Tibok ng aking puso, agad dumagundong


Ngunit ikaw, ni hindi man lang lumingon


Sa aking pagtawag, ni hindi ka tumugon



Ako ang unang nag-like ng post mo sa instagram


Pati sa twitter mo, naka-follow ako diyan


Pero bakit naman tila wala kang pakialam?


Kahit pa nga ang FB status ko, ikaw na ang pinariringgan



Hanggang kailan ba maghihintay sa reply mo?


May pag-asa pa kayang ako ay pusuan mo?


Bakit ba hindi mo makita ang isang kagaya ko?

Na kahit dinededma ay nagmamahal pa rin sa'yo

Scattered Scratch Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon