THIRD WHEEL

78 5 0
                                    


(April 12, 2017)


Nagkakasakitan lang kayong dalawa

Pero bakit naririyan pa rin at nagtitiyaga?

Kung halos masaid na ang iyong mga luha

Bakit nga ba bumabalik ka pa rin sa kanya?


Kung normal na sa inyo ang mga pag-aaway

Bakit hindi pa rin kayo naghihiwalay?

Ang ganyang pag-ibig, mayroon pa bang saysay?

Kung wala ng idinulot sa'yo kundi lumbay


Kailan mo matatanggap ang isang katotohanan?

Na ang tulad niya ay hindi mo naman talaga kailangan

At kailan ako magigising sa aking kahibangan?

��u~�2<>

Na kapag naghiwalay kayo, ako na ang iyong lalapitan.

Scattered Scratch Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon