CHAPTER 4
($ ᴗ $) POV
“Inaaaaaaayyyyy!!!!!!!!!!!!!!!” Hindi ko napigilan ang mapasigaw ng umuwi ako.
Nagmamadaling sinalubong ako ng nanay.
“Anak naman bakit ba sumisigaw ka?”
“Ang saya-saya ko ngayon, nay! Gusto ko na nga pong magtatatalon ngayon.”
Nakita ko din na lumabas galing sa kusina si tatay.
“Anak, sumigaw ka na lang. Baka hindi kayanin nitong bahay kapag tumalon ka pa.”
“Hay naku tay hindi ako mapipikon sa inyo.” Sabi ko at naupo ako sa sofa namin.
“Masaya talaga ang araw na ito nay, tay.”
“Bakit naman?” Tanong ng tatay.
Imbes na tabihan ako doon na lang sya naupo sa kabilang upuan.
Ang lagi nyang dahilan ay baka daw bumigay na ang sofa namin.
“Naku kayo na lang mag-ama ang mag-usap. Nagluluto pa ako.”
Umalis na si nanay papuntang kusina.
“Kasi naman tay may nakuha akong raket.”
“O, e ano naman ang ititinda mo?”
“Hindi ‘ano’ tay…” sagot ko.
Nagdududang tinignan ako ni tatay.
“Anak, wag mong sabihin na binebenta mo na ang katawan mo ngayon.”
“Kahit alam kong malulula yung makakakita nyang katawan mo, ayoko na
binabandera mo yung sarili mo sa madla.”
($.$)?????
“Hay naku tay, ibenta man ni ate ang katawan nya. Wala namang bibili nyan.
Buti sana kung kilo-kilo di’ba?”
Napalingon kami ni tatay sa bagong dating ko na kapatid.
“Pwede ba Apple tumahimik ka?” sagot ko sa pang-aasar nya.
“Kasi naman si Tatay,e. Kung mag-isip napaka imposible.
Isipin mo nga, ikaw naka super mini skirt at hanging blouse. Eeewww… nakakasuya.”
Parang walang narinig na pinagpatuloy lang ni Apple ang pang-aasar sa akin.
Naiinis na binato ko sya ng throw pillow.
“Alam mo bwisit ka talaga.”
“Tama na ‘yan.” Pag sasaway ng tatay.
“Ano ba kasi yang raket na ‘yan anak?”
“May kailangan lang akong i-make-over at magkakaroon na ako ng fifty thousand pesos.”
Pagmamayabang ko.
($ᴗ$)$$$$$
“Weh?” Tinaasan pa ako ng kilay ni Apple.
“May naniwala sa’yo?” dagdag pa ng bruha kong kapatid.
“Daganan kaya kita.” Inis na sabi ko.
Kahit kailan panira talaga sya ng mood.
“Talaga anak? Maganda ‘yan.” Sabi ni tatay.
BINABASA MO ANG
Love story ni Chubby at ni Nerdy
HumorKikita na sya ng P50000, natulungan pa nya si Russell. And all she have to do is to transform him from being Mr. Nerd to Mr. Hunk. Wala na sanang mahirap sa paningin ni Peachy. Except the fact that she is starting to fall helplessly in love with Mr...