CHAPTER 8

6.8K 142 15
                                    

CHAPTER 8

(@,@)

Kaya naman pala hindi ako mabalikan dahil nag-eenjoy makipag holding hands sa Bren na'to.

Sa totoo lang umaasa ako na masosorpresa ko si Peachy.

Pero mukhang ako pa ang masu-surprise.

Dahil itong si Miss Chubby ay enjoy na enjoy kasama ‘tong kolokoy na si Bren.

(@,@) “Matagal pa ba yan?”

Tanong ko sa kanilang dalawa.

Talagang hindi pa sila nagbibitiw.

(^̮^) “Actually nakapili na ako.”

($_$) [Nakatulala pa din sa akin]

(@,@) “I mean kung matagal pa ba yang holding hands nyo.”

 Parang doon naman natauhan yung dalawa at nagbitiw na.

(@,@) hmffff

(@,@) “Nagugutom na ako.”

Kay Peachy ako humarap. Ewan ko ba kung bakit parang kumukulo ang dugo ko kay Bren.

($_$) [Tulala pa din]

Naestatwa na 'ata si Peachy kaya tinapik ko ng konti yung pisngi nya.

(@,@) “Anong nangyayari sa'yo?”

($_$) [natauhan ng konti]

Nagulat ako ng hawakan ng dalawang kamay nya ang pisngi ko.

($,$) “Boss, ikaw ba talaga ‘yan?”

Anong trip nito?

Sobra ba talaga yung pagbabagong nagyari sa akin?

(@.@) “Ako nga…”

($.$) “Ang galing naman ni Donna…”

Binaling baling pa nya sa iba’t-ibang side ang mukha ko.

($̮$) “Sabi ko naman sa’yo , Boss, magaling ako mag make-over.”

(^̮^) “Oo nga, bumagay yung buhok mo sa’yo, Pare.”

Sumasabat hindi ko naman kinakausap.

(@,@) “Kung tapos na kayo ni Peachy, alis na kami.”

(^̮^)[ nakakahalata na kay Russell]

(^̮^) “Okey lang, Pare.”

(^̮^) “Peachy thank you talaga…”

Hahawakan pa sana nya ang kamay ni Peachy kaya lang inunahan ko na sya.

Hinila ko na si Peachy.

Bago kami lumabas ay binalingan ko yung sales lady.

 (@.@) “Give that guy a fifty percent discount.”

Yung pinuntahan kasi nila ay isa sa mga store namin sa mall na iyon.

Tinitigan muna ako ng sales lady bago nagulat na nagsalita.

(=o=) “Kayo po pala 'yan Sir Russell, sige po.”

'Yun lang at hinila ko na ulit si Peachy palabas ng store.


($̮$) “Boss, dahil pogi ka na baka pwedeng next time naman.”

($̮$) “Pagod na kasi ako.”

Paanong hindi sya mapapagod. Ako yung Boss, sama ng sama kung kanikanino?

(@@) “Nagugutom na ako. Let’s eat.”

($̮$) “Tama ‘yan Boss, gutom na rin ako. Pagkatapos ihatid mo na din ako sa amin.”

(@,@) “ Wala sa usapan na kailangan kitang ihatid.”

($̮$) “Boss naman, Baka pwedeng pahatid na rin. Sayang sa pamasahe,e.”

(@,@) “Sige, pero dapat ibawas sa fifty thousand pesos?”

($_$) “Ang lupeet!!! 'Wag mo na ako ihatid. Masaya naman ang mag commute sa totoo lang.”

($˷$)

Umarte pa syang nagtatampo.

Hindi bagay dahil lahat na sa mukha nya matambok.

(@,@) “Sige na ihahatid na kita.”

($̮$) “Yehey! Pero may request pa ako, Boss…”

(@.@) “Ano ‘yun?”

($̮$) “Kung ayaw mong bitawan baka pwedeng paki luwagan ang hawak mo sa kamay ko.”

($̮$) “Medyo mahigpit kasi yung pagkakahawak mo.”

Napatingin naman ako sa mga kamay naming na magkahawak.

Hindi ko pa pala  nabibitawan yung mga kamay nya.

Kunwari wala lang na binitawan ko na yung kamay nya.

($̮$)[hinawakan yung kamay na namumula]

(@.@) “Halika na pili na tayo ng restaurant na kakainan.”

At iniwanan ko na sya bago pa makapag salita ng kahit na ano.

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon