THE START OF FOREVER..

2.9K 83 50
                                    

####################################################################

Para sa lahat ng naghintay sa mga updates ko at sa mga walang sawang nagbigay ng comments nila. Para sa inyo ito. Thanks sa pagsama nyo kay Peachy and Russell in finding each other.

And to those who are still waiting for the right one to come along. Aja!!!

Darating sya sa tamang panahon. Hintay lang...

--->S.L (~~,)

####################################################################

THE START OF FOREVER...

($_$)

Today I'm going to marry my first love...

Mula sa sinasakyan kong puting kotse ay tanaw ko na ang simbahan.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko and at the same time parang naiiyak ako.

Finally after waiting for so many years makukuha ko na yung happy ending na pinapangarap ko.

I almost give up. Muntik na akong sumuko. Mabuti na lang at bumalik na si Russell.

And he never failed to make me feel so special. Tuwing titingin ako sa mga mata nya nakikita ko yung reflection ng pagmamahal ko.

Hindi ako perfect na babae but on the way Russell look at me parang ako na yung pinaka magandang babae.

And for me his the most handsome man.

Huminto na ang bridal car.

Nakita kong papalapit na si Tatay sa sasakyan. Binuksan nya ang kotse at inalalayan akong bumaba.

Naka ngiting mukha ng lahat ng imbitado ang sumalubong sa akin.

Im wearing an off shoulder gown na gawa ni ate Yvonne. Napagmukha nya pa akong mapayat sa suot ko. Nagulat ako dahil may curve naman pala ako.

"Ang ganda ganda mo anak," sabi ni Tatay.

"Talaga po?"

"Oo, sobra," inalalayan ako ni Tatay papunta sa entourage.

Nandoo na si Nanay at si Apple na maid of honor ko. Si Lily, Candy, Toni, Anne at Ate Yvonne naman ang mga abay ko. Syempre partner nila sina Jigger, Rafael, Stephen, Nathan at Bren.

Ng magsimula ng maglakad ang mga abay at ang mga ninong at mga ninang ay taimtim akong nanalangin.

Salamat po sa pagbibigay nyo sa akin kay Russell. Pangako po mamahalin ko sya habang buhay.

Ng matapos ng maglakad si Apple ay isinara muna ang pintuan ng simbahan. Doon dinala na ako ng coordinator sa tapat ng pintuan. Inayos muna nya ang gown ko bago sumenyas na pwede ng buksan ang simbahan.

Agad na narinig ko ang pagtugtog ng organ ng kantang Forevermore.

Unti-unti na akong humakbang...

Pinuno ang simbahan ng mga bulaklak na may iba't ibang kulay. May mga talulot din na rosas ang bumabagsak sa sahig habang naglalakad ako.

Ang daming nagkikislapang camera.

Sinalubong naman ako nila Nanay at Tatay sa gitna ng aisle.

Doon nakita ko na si Russell habang naghihintay sa harap ng Altar.

Simula ng mga oras na 'yun sa kanya na napako ang mga mata ko.

####################################################################

(@_@)POV

Today I'm going to marry my true love...

Papalapit na sya sa akin.

Napaka ganda nya.

Naramdaman kong nangingilid na ang luha ko.

Sobrang saya ko kasi. Kahit na alam kong ayaw pa rin sa kanya ni Mommy nararamdaman ko na unti-unti na din nyang natatangap ang lahat. Sapat na dumating sya ngayon para hindi kami mawalan ni Peachy ng pag-asa na darating yung oras na matatangap na nya na si Peachy ang pinili ko.

And now, finally. After so many years maiihaharap ko na din sya sa altar...

For she is the only woman that I loved and I will always love.

Ilang hakbang na lang ang layo nya.

Konting minuto na lang at ganap na syang akin.

Lumapit na ako sa kanya.

Nagmano muna ako sa mga magulang nya.

"Ingatan mo ang anak namin hijo," sabi ng tatay ni Peachy.

"Palagi ko po yang gagawin," sagot ko.

Ng hawakan ko na ang mga kamay nya, sa kanya na napunta ang lahat ng atensyon ko.

May ilang segundong nagtitigan muna kami.

"I love you," hindi ko napigilang sabi.

"I love you too," sagot nya.

"Alam naming mahal nyo ang isa't-isa. Kaya nga kayo naririto di'ba? Kaya pwede na ba natin simulan ang kasalang ito?" nabaling ang atensyon namin kay father ng magsalita na sya sa microphone.

Napuno ng tawanan ang buong simbahan.

Nakangiting naupo na kami sa harap ng altar.

At ng sasabihin na namin ang mga wedding vows namin...

"Thank you for coming into my life. Sweetheart, I promise from this day onwards that I will love and cherish you 'til we grow old. I love you so much for you are my life and my happiness." madamdamin kong sabi habang nbkatitig sa mga mata nya...

####################################################################

($_$)POV

Nakangiting pinahid ko ang mga luha ko ng marinig ko ang wedding vow ni Russell.

Kinuha ko na ang microphone ng ako na ang magsasalita.

"I first loved you when you still wearing those thick eye glasses. I learned to love you more when you dance with me under that beautiful moonlight seven years ago. I love you more and more each day,sweetheart, for you make me feel that I'm the most beautiful girl. Thank you for making me happy. I promise to love and cherish you until I breathe my last."

####################################################################

"And now I pronounce you man and wife. Russell you may now kiss your wife." sabi ng pari bilang paghuhudyat na tapos na ang kasal.

Nakangiting itinaas na ni Russell ang belo ni Peachy and give her a sweet kiss that takes long seconds.

Malakas na nagpalakpakan naman ang mga bisita.

And they live happily ever after...

######################($_$) THE END (@_@)###########################

Our Journey To Find True Love Ends...

Our Journey To Cherish True Love Begins

                                                                                                     ------->> Russell and Peachy

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon