CHAPTER 20 part 1

6.6K 129 8
                                    

##################################################################

Salamat sa mga nag-add ng story ko sa reading list nila...

Hindi ko na kayo ma-isa-isa...

Basta thanks ng marami...

(~~,)

#################################################################



CHAPTER 20



Nagising ako sa mabangong amoy ng rosas.

  



Nakangiting bumangon ako at kinuha ang rose sa may unan ko.



Sa guest room ako natulog.



Nagulat ako ng ihatid ako ni Russell dito. Ng buksan ko kasi ang cabinet ay puno iyong ng mga damit at sapatos. Akin daw ang lahat ng iyon sabi nya. Ng tanungin ko kung paano nya nalaman ang sukat ko, isa daw yung sikreto. Hindi ko na sya pinilit pa.



Hindi tumila ang ulan kaya sa loob lang kami ng bahay nya buong gabi. Nag kwentuhan at nanood lang kami ng dvd.




Hindi nya pa din binibigay ang bag ko. Para daw hindi ako matempt na tumawag o mag text.




Nakangiting bumaba ako ng kama.




Napansin ko ang nakakalat na petals ng bulaklak sa sahig at may sticky note pa.




Pinulot ko ang isa at binasa.




I missed your voice and the way you call my name...




Napangiti ako.





Ayaw ko man pero umaasa ng sobra yung puso ko.




Napansin ko na may sticky note nanaman ilang hakbang mula sa akin.




Pinulot ko 'yun at binasa.




I missed your smile and the way you look at me.





My gosh!!! Tunaw na tunaw na yung tampo ko sa kanya.




May nakita na naman akong sticky note sa tapat ng pintuan.





Nakangiting lumapit ako para basahin iyon.




And what I missed the most is your lips that is so sweet.




Naalala nya nung hinalikan nya ako sa airport?




Ayyyiieeeee!!!




Kung alam lang nya na wala na akong hiniling noon kung hindi ang maramdaman ang yakap at ang halik nya.





Kulang ang pitong taon para makalimutan ko iyon.





Pinahid ko ang luhang pumatak sa mga mata ko.





Hindi ko dapat isipin yung mga nangyari nung nakaraan ang mahalaga ay ang kinabukasan. Ang importante ay kasama ko si Russell ngayon at masaya kami.





Binuksan ko ang pintuan para puntahan si Russell at magpasalamat.




But there he is, standing in front of me. Wearing his charming smile. Katulad ko nakapantulog pa sya. His holding a three stem of roses.




"Good morning beautiful."




Natigilan ako ng may maalala.




Gosh!!! hindi pa ako nakakapag-hilamos!!!





Nahihiyang tinakpan ko ang bibig ko ng likod ng aking palad.






"Good morning," bati ko.






Shocks!!! Kahit suklay hindi ko man lang nagawa.





Nagtataka man ay inabot sa akin ni Russell ang mga bulaklak.






"Breakfast is ready," sabi nya.






"O-okey, susunod na lang ako. Ahm, mag hihilamos lang ako." tumagilid pa ako para hindi nya mapansin ang oily face ko.





"Nasa verandah lang ako." nagtataka man ay humakbang na sya palayo.





Sinilip ko muna sya hanggang makababa tsaka ako pumasok loob ng kwarto.





Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kama at sumubsob sa unan at tsaka tumili.




Nakakaloka!!!



Kinikilig na bumangon ako.



Lord! Sya na talaga!!!



####################################################################




(@_@) POV




"Ang balak ko ipasyal sya sa Tagaytay ngayong araw. It's a beautiful Wednesday morning. Ang ganda ng view mula dito ng Taal." sabi ko sa kausap ko sa cellphone ko.




"Kuya kasi hinahanap ni kuya Martin sa akin si Ate."




Tumaas ang kilay ko sa mga sinabi ni Apple.




Hindi naputol ang communication ko kay Apple ng magpunta ako ng America. Dahil sa kanya, nalalaman ko ang lahat ng nangyayari kay Peachy. Sinabihan ko na lang sya na isekreto na lang ito sa kanyang Ate.




At base sa kwento sa akin ni Apple. Si Martin ang closest friend ni Peachy sa office.




Binubuyo nga daw si Peachy kay Martin. Muntik na nga akong umuwi 3 years ago dahil sa takot na maagaw si Peachy.




But then sinigurado ni Apple na walang magiging boyfriend ang ate nya hangga't 'di ako bumabalik.





And theres no way that I would allow any man to court Peachy. Masyado ng overdue ang love story namin. It's time to give it a happy ending.




Syempre depende ang lahat ng yun kay Peachy.




"Just tell him na she's with me and she's safe."





"Okay, kuya, basta tuloy ang plano?"




"Oo naman..." yun lang at nagpaalam na ako kay Apple.




Eksaktong na ilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ng masilip ko si Peachy.




Nakatali na ang buhok nya but she's still wearing her pajama.




I control myself to reach her and hold her closer.




I have to take things slow. After all I have one week with her.





"Join me," tumayo ako at ipinaghila sya ng upuan.




"Thanks," sabi nya. "Ang ganda naman ng view ng taal dito."




"Yeah, I made sure na perfect 'tong part na'to ng bahay para sa view ng Taal."




Masigla kaming kumain. And then I invite her na mag horse back riding...




####################################################################

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon