CHAPTER 18 PART 2

6.2K 123 10
                                    

Part2

(@_@) POV


"Welcome home," bati ni kuya Rustan sa akin.


Nasa loob na kami ng office nya.


Half-brother ko sya. Anak sya ni Dad sa isang maid.


Five years ago lang kami nagkakilala. Kahit si Dad at Mom dun lang din sya nakilala. His mom keep the secret until kuya find his own way to found Dad.And when he found Dad, may instant kuya ako kaagad.

Syemre Mom was so disappointed. Pero wala na syang magagawa.


"Thanks kuya. Don't worry I'll do my best." sabi ko.


"I know your good. Natatakot lang akong mapagalitan ng mommy mo. Baka isipin nya iniwan mo ang kompanya nyo para sa maliit na company ko."


"Nag decide na ako. I want to teach mom a lesson." Umalis ako sa company namin abroad dahil sa pagpipilit ni mommy na ipakasal ako sa isang business associate ng kompanya namin.


Nagbanta pa sya na hindi ako pamamanahan.


She did'nt know na napag handaan ko na yun. Sinabi ko na wala akong pakialam sa mana. I resigned and flew back here.


"Hanggang kailan mo naman balak mag stay dito?"


"Matagal, anyway, meron ka na ba nung files na hinihingi ko?"


"Yes, buti ipinaalala mo yung files na hinihingi mo." inabot ni kuya ang isang folder. "Bakit mo ba kailangan ng record na yan?"


"Unfinished business. May kailangan lang akong tapusin."


Hindi na nagreact pa si kuya. Nagpaalam na ako sa kanya na pupunta sa opisina ko.


Nang makarating na ako sa office ay agad kong binuksan ang folder na hawak ko.

Tinitigan ko ng matagal ang laman ng folder.

Marami talaga akong dapat ayusin.

#########################################################################

($_$) POV


Nanlalamig ako.


Ang bilis din ng tibok ng puso ko.

Alam nya kaya na dito din ako nagtra-trabaho? Paano kapag nagkita na kami? Ano ba dapat yung reaksyon ko? Paano ko sya haharapin?


"Ang sakit sa ulo."

Bumukas ang pintuan ng office ko. Pumasok dun si Sir Rustan.


"S-Sir?" napatayo ako.


"Be seated." Sabi nya. Dumiretso sya ng upo sa harap ko. "Meron lang akong ipakiki-usap sayo." pagsisimula nya.


"Ano po iyon?" napuno ng kaba yung dibdib ko.


"Ikaw sana ang i-a-assign ko to teach my brother ng pasikot ng kompanya."


Hihimatayin na 'ata ako...

"Sinusundo na din kita dahil gusto sana kitang ipakilala sa kanya."


God... Anong gagawin ko?


#########################################################################

($_$) POV


Sobrang gwapo na nya.


Kahit hindi ko sya matignan ng diretso pasimple ko naman syang pinag-aaralan kapag hindi na sya nakatingin.


Well built na ang katawan nya. May salamin sya ulit but this time lalo pang nagpapogi sa kanya yung salamin.


Sya pa rin kaya yung Russell na minahal ko?

"Welcome to the company Sir." magalang ko syang binati.


"Thank you." diretsong tinignan nya ako. I felt like I'm melting.


"So Peachy, sayo ko na ipagkakatiwala si Russell teach him all the things he have to learn." sabi ni Sir Rustan na hindi pa din napapansin na natetensyon ako.


"Yes, Sir." sagot ko.

Kung pwede lang sana na lamunin na lang ako ng sementong kinatatapakan ko.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.


"So maiiwan ko na kayo." Yun lang at umalis na rin si Sir Rustan.


"Seven years..." si Russell ang unang nagsalita sa amin. "Seven long years."


"Yes, seven long years... Enough time for me to forget everything." tumingin ako sa kanya ng diretso kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "I just hope na hindi na natin mapag-usapan ang nakaraan, Sir. Kung may natutunan man ako dito sa kompanya na'to it's professionalism."


"Don't worry. I assure you Ms. Devera that I would be as professional as you want me to be." Sagot nya with so much authority in his voice.

Ouch!

"Tomorrow na natin simulan ang paglilibot sa loob ng kompanya. You may go."


"Okay Sir," pinilit kong wag ipahalata ang panginginig ko.

Lumabas ako ng office nya at dumiretso sa restroom.


Doon nanghihinang humarap ako sa salamin. Napaiyak na din ako.


Tama ako. Kinalimutan nya talaga ako. Maling-mali ako na isipin na bumalik sya para sa akin.


Ang tanga mo talaga Peachy. Dapat noon pa lang kinalimutan mo na sya.

#############################################################################

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon