CHAPTER 20 PART2

8.3K 207 44
                                    

 ##########################################################################

Dedicated to those who patiently wait...

Sana magustuhan nyo... (~~,)

#########################################################################


#######################################################################

CHAPTER 20 PART2

#######################################################################

($_$) POV


FRIDAY NIGHT...


Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto ni Russell.


Hindi kasi ako makatulog.



Siguro dahil na rin sa excitement. May pagdadalhan daw sa akin si Russell pero ayaw pa nyang sabihin sa akin kung saan.



Sobrang na-e-excite tuloy ako.



Nitong nakalipas na araw sobrang saya ko. Kahit walang sinasabi si Russell na kahit na anong salita na may kaugnayan sa love nararamdaman ko naman na mahal nya ako.



Kaya sobra sobra ang antipasyon ko sa mga araw pa na darating.



Sana sabihin na nya yung mga salitang pitong taon ko ng hinihintay.



Kumatok ako ng mahina pero hindi bumukas ang pinto.



Sinubukan kong pihitin ang doorknob at nagulat ako ng malaman na nakabukas pala iyon.



Unti-unti akong pumasok.



Doble ng laki ng guest room ang kwarto ni Russell. Ito ang unang beses ko na makapasok sa kwartong ito. May hindi daw kasi ako dapat makita sabi ni Russell.



Ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.



Nasa kama si Russell habang tulog na hawak pa ang isang libro. Nakatulugan nya siguro ang pagbabasa.


Lumapit ako sa kanya para ayusin ang pagkakahiga nya at para kumutan na rin sya.


Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan sya.


Wala na sa ayos ang salamin nya. Magulo na din ang buhok nya.


Pero sa tingin ko sa kanya, sya na siguro yung pinaka gwapong lalaki para sa akin.


Kinuha ko ang salamin nya at dahan-dahang inilapag ito sa mesa.


Doon napansin ko ang isang maliit na music box at isang picture frame.


Dahil sa lamlam ng ilaw hindi ko napansin na picture ko ang nandoon.


Kinuha ko ang picture frame at tinignan iyon.


Kuha iyon 4 years ago nung reunion namin.


I'm wearing a yellow summer dress.


Paano kaya nagkaroon ng kopya nito si Russell?


Napansin ko pa ang isang scrapbook na nakapatong sa ibabaw ng mga libro sa may bedside table.


Inabot at tinignan ko din iyon.


Doon tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko...


Yung laman ng scrapbook. Puro pictures ko.


Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon