Note: Ang tagal bago ako nakapag-update. Pasensya naman…
It’s better late than never di’ba? Hehehe…
Read, vote and comment na (~~,)…
CHAPTER 11
THE DATE
($ᴗ$) POV
“Miss pahingi ng kulay itim na ganitong style.Tapos isa din nitong katabi nya. Tapos yung isa pa sa banda dun at yung isa sa may kabila.” Matapos kong ituro yung mga damit sa sales lady ay naupo na ako.
“Bakit parang and dami naman ata ng ipasusukat mo sa akin?” Sinundan ako ni Russell.
Hmffff…
Akala nya hindi ako gaganti sa pagpapahirap nya sa akin sa gym.
Ngayon papahirapan ko sya.
“Ano ka ba , Boss? Kasama sa make-over mo ang damit. Sa susunod hindi ka na pwedeng mag suot ng mga baduy na damit katulad ng suot mo ngayon.” Paliwanag ko sa kanya.
“At isa pa, Boss. Siguro naman hindi isang bese lang kayong mag-de-date ng Monica na ‘yun. You need clothes na pasok sa fashion ngayon.”
“I know that pero look at the price of those clothes. Lalagpas ‘ata sa thirty thousand yung mga ‘yun e.”
Exactly!!! Magpapabili ako ng mga mahal na damit ng mabawasan yang pera mo Mr. Kuripot!
“Ano ka ba naman, sigurado ako na lahat ng iyon babagay sa’yo.”
“Sandali nga gumaganti ka ‘ata dahil sa pagpunta natin sa gym nung isang araw.” Nagdududang tinignan nya ako.
“Ako?” Kunwari nagulat ako sa mga sinabi nya. “Hindi, Boss. Nag-enjoy nga ako,e.”
Pero ang totoo. Umiyak ako magdamag dahil sa sakit ng katawan at gutom.
“So, babalik pa tayo dun? Maybe, thrice a week?”
Ayoko!!!
“Sure,” nasabi ko na lang.
Maya-maya pa ya dumating na ang damit na pinili ko.
“Okey, Boss. Isukat mo na silang lahat.”
Ibinigay ng sales lady yung mga damit kay boss. Pumunta naman si Russell sa fitting room.
Humanda ka sa akin…
Lumabas si Russell suot yung isang yellow na damit. Hindi bagay sa kanya ang damit pero sinadya kong kunin para pagurin sya.
“Ang pangit, Boss. Hubadin mo na ‘yan.”
Ganun din yung sinabi ko dun sa dalawang kasunod na sinuot nya.
“Ayoko nyan, ang pangit.”
Naiiling na bumalik na lang sya. Hanggang sa wala akong napili kahit na isa.
Pagkatapos nun ay inaya ko sya sa isa pang mas mahal na boutique.
Doon pumili ako ng limang damit.
Ng lumabas si Boss suot ang unang damit ay sinimangutan ko sya.
“Hindi bagay. Yung next naman ang isukat mo.”
Lumapit sya sa akin. Walang salamin si Boss dahil nag-insist ako na suotin nya yung contact lens na binili namin, kaya kitang kita ko yung inis sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Love story ni Chubby at ni Nerdy
HumorKikita na sya ng P50000, natulungan pa nya si Russell. And all she have to do is to transform him from being Mr. Nerd to Mr. Hunk. Wala na sanang mahirap sa paningin ni Peachy. Except the fact that she is starting to fall helplessly in love with Mr...