CHAPTER 3

9.1K 170 19
                                    

CHAPTER 3

(@@) POV

“Today I want you to meet your respective groups.” Next meeting na namin kay Sir Dragon.

“Familiarize your groupmates. Sila na ang kasama nyo sa lahat ng activities na gagawin natin.”

At ‘eto nga nag-groupings na kami.

Naiinis man ako sa ginawang groupings ni Sir, wala akong magagawa.

Kahit na ang kulit ni Peachy ay dapat pagpasensyahan ko na lang sya.

“Today I want you to learn things that would enhance your skills in acting.”

Pagsisimula ni Sir sa activity namin ngayong araw.

“This would be fun, class.”

“Each group will be playing a role na ako mismo ang pumili.”

“Ang gagawin nyo lang ay umarte sa kung ano yung ipapagawa ko.”

“Maliwanag ba?”

Sabay-sabay kami na nag-okey.

“But before that I’ll give you fifteen minutes to meet your group mates.” Sabi ni Sir at

lumabas sya ng classroom.

“Okey mas maganda siguro kung ipapakilala natin muna ang isa’t-isa.”

Suggestion nung totomboy-tomboy sa amin.

“Good idea” sabi nung isa sa mga cute guys na crush ni Peachy sa tingin ko.

“I’m Toni.” [sya yung totomboy-tomboy]

“I’m Lily.” [sya naman yung manang kung manamit.]

“I’m Peachy,” [never mind]

“I’m Candy.” [ sya yung matangkad na patpatin.]

“I’m Russell,” pagpapakilala ko.

“I’m Rafael.” [ sya yung pinaka gwapoat mukhang modelo]

“I’m Jigger,” [sya sa tingin ko ay babaero pero kwela, chinito sya.]

“I’m Stepehen,” [Moreno at may pagka antipatiko.]

“I’m Nathan,”

“I’m Bren” [Sila ang kambal.]

“So wala naman tayong idea sa kung ano yung pwedeng ipagawa sa atin ni Sir,

why don’t we talk about our modeling sa finals.”

Suggestion iyon galing sa kambal.

“Pero bago ‘yun bakit hindi muna kayo bumili sa akin.”

Pagsabat ni Peachy.

Grabe naman itong babae na ito, walang patawad sa pagtitinda.

“My chicken sandwich ako.” At nagtinda na nga sya.

Napaka lakas ng loob ng babae na ito.

Hindi ko alam kung saan nya nakuha yung kapal ng mukha.

Sa totoo lang hindi ako sanay na may kakilala na katulad nya.

Loner kasi ako.

Sanay na mag-isa at nasa tahimik na lugar lang.

E, sya maingay.

Pero sa tingin ko may pinag kapareho kami.

Pareho kaming kakaiba.

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon