CHAPTER 2

9.5K 170 17
                                    

CHAPTER 2

($ ͜ $) POV

($ ͜  $) “One thousand one hundred…”

($ ͜  $) “One thousand two hundred…”

($ ͜  $) “One thousand three hundred…”

($ ͜  $) “One thousand four hundred…”

($ ͜  $) “One thousand five hundred!!! Hahaha!!!”

Ang saya-saya naman. Ang laki ng kita ko, e, ilang oras pa lang ako nagtitinda.

 

Kaya nakangiting pumasok ako ng class room ko. Personality Development ang unang subject ko.

Na-upo ako sa gitnang bahagi. Dito kasi kita ko ang mga kaklase ko. Dapat maging friendly ako.

Syempre para mabentahan ko sila.

($ ͜  $)$$$$

Konti pa lang ang mga tao. Five minutes pa before mag-bell.

Sana magkita pa kami nung nerd na ‘yun.

 

Ang yaman kasi. Binigyan ako ng five hundred para lang tantanan sya.

 

Sana maging friend ko yung mga ganun kagalante na guy.

Bumukas ang pinto sa harapan.

Hindi ko alam kong swerte ako o talagang nakatadhana ito.

Si Mr. Nerdy papasok ng classroom namin.

Hindi man lang sya tumingin sa paligid. Nakayukong pumasok sya at na-upo sa linya ko.

Swerte!!!

Tumayo ako. Tatabihan ko sya.

Mukha naman syang matalino.

May manlilibre na sa akin may makokopyahan pa ako.

Ang swerete di’ba?

($ ͜ $) “Tabi tayo?”

(@@)!!! “Ikaw na naman?”

($ ͜ $) “Yes, it’s me again.”

Naupo na ako sa tabi nya.

Wala na syang magagawa.

“Tutal alam ko na yung sikreto mo. Friends na tayo.”

Nanlaki yung mga mata nya.

“Ikaw? Friend ko na?”

“Yes, Call me Peachy. Ikaw si?”

Nagdududang  tinignan nya ako.

Nababasa ko sa mga mata nya na ayaw nya akong kausapin.

Pero  wala na syang magagawa.

“Russell…” Nabasa ko ang I.D. nya.

“I’m sorry hindi kita gustong friend.” Sabay talikod sa akin.

Aba! Kayabang!!!

“Hoy! ‘Wag ka ngang choosy. Mataba ako pero hindi ako masamang tao.”

“I choose my friend.”

“I also choose my friend.” Sabi ko. “And I choose you.” Nginitian ko pa sya.

Magsasalita pa sana sya ng pumasok na ang  prof namin.

Naku si Mr. Dragon pala.

Ang super mang-okray na prof ng university.

Love story ni Chubby at ni NerdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon