Shia Sheridan's POV
Pagod na pagod ako ngayon, bumisita kasi ang buong grupo kanina sa Titan Academy. Mga four months na mula noong natapos ang Linus Cup pero hindi pa rin fixed ang decisions namin kung saan kami magtatrabaho lalo na ako. Ikaw kaya sumali ng Linus Cup at hindi kaba ma-trauma or worse mawasak ang buong pagkatao mo?? This one is what I feel at dahil iyon sa pagkamatay ni Lucas, isang malaking parte ang nawala sa buhay ko.
Pumunta ako sa bedroom para magpahinga at humiga sa malambot na kama. Napatingin ako sa kesame at naalala iyong mga panahon kung kailan puro kakulitan at kasiyahan ang nararamdaman namin ni Lucas.
Noong bata pa ako, nagtatrabaho ako sa bayan dahil ayaw kong isipin ng mga kumupkop sa akin na pabigat lang ako. Nagtatrabao ako kay Aling Suseng sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pandesal niya sa bayan. Hapon iyon at napakainit dahil litaw na litaw pa ang mainit na araw sa langit. Pawis na pawis ako noon pero tiniis ko ang lahat. May nadatnan akong grupo ng mga lalake na mas nakakatanda sa akin noon, napahinto ako dahil may nararamdaman akong kakaiba. Para bang malapit na malapit lang sa akin ang Pahamak kayat sinubukan kong umiwas sa kanila. Unti-unting lumapit ang mga lalaki sa akin at hindi ko maiwasang kabahan.
"Pwede ba kaming bumili ng pandesal mo??" tila ba pabirong tanong ng isang lalaki.
"Ikaw naman pare, hindi ba obvious?? Mukhang mabait itong bata na ito, siguradong ibibigay lang niya ng libre ang mga pandesal niya." natatawang sabi ng isang kasamahan niya.
"Ay oo nga pala, bigyan mo kami ng pandesal"
"Sorry po pero hindi po sa akin ito."
"Bobo ka rin pala no?? Ano sa tingin mo ang sinabi ko, tanong?? Utos ko iyon at once, mag-uutos ako dapat ay masusunod iyon." Sabi niya sa napakaseryosog boses.
"Hindi po ito libre at hindi ipinamimigay"
"Lumalaban ka ha?" sabi ng isa sa kanila na mukhang pikon na pikon na sa akin. Sasampakin na nga yata ako eehh pero pinigilan siya ng leader nila.
"Guyys, alam niyo naman siguro kung anong mangyayari sa mga batang matitigas ang ulo di ba??"
Napatango ang lahat ng kasamahan niya na mukhang naghahandang sampakin ako.
Kailangan kong umalis sa lugar na ito para hindi ako mapahamak, kayat mabilis akong tumakbo. Tumawa sila ng malakas at parang walang balak sundan ako. Mabilis akong tumakbo pero biglang nauntog ang ulo ko sa isang invisible na pader. Papalapit sila sa akin kayat sinubukan kong tumayo at maglakad pero isang napakalaking pader ang tila nakaharang sa harapan ko. This is a Dead End, wala na akong ibang mapuntahan pa kayat hinarap ko na lang sila with a very stormy eyes and threatening face!
"Bakit, ano ba ang kaya mong gawin?? Ano ba ang ability mo??"
Hindi pa ako marunong makipaglaban physically, kayat siguro katapusan ko na ngayon.
Biglang pumuti ang mga mata ng leader nila at nagdilim ang langit. Tila natabunan ng isang big dark cloud ang mainit na araw. Nararamdaman ko ring, unti unting nababasa ang sapatos ko dahil sa kontroladong tubig na papalapit sa akin. Nahilo ako bigla at bumagsak sa aking tinatapakan na may mga dumadaloy na tubig. Gusto kong sumuka pero tila ayaw nitong lumabas sa katawan ko dahil gusto pa nitong pahirapan ako ng pahirapan. Kinuha ng isang lalaki ang box ng pandesal na nakangisi..
"Kung hindi ka na lang kasi nagmatigas, ehh dapat masaya tayong lahat ngayon.
Pasalamat ka wala kami sa mood para pahirapan ka ng sobra sobra."
![](https://img.wattpad.com/cover/66641079-288-k453757.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Linus Cup(Titan Academy)
FantasíaFANFICTION | Part II - Titan Academy @april_avery | Inspired | Must Read | "I thought you were dead but Lucas Tyler, you are ALIVE." | {on going}