Cain's POV
My stomach hearts. Parang may isang wheel of blades na gumugulong sa tiyan ko. Ginagasgas nito ang aking tiyan at parang lahat ng kinain ko gustong lumabas. Kaso kahit sukang suka na rin ako, wala ng lumalabas. Grabe mas mahirap talaga yung naramdaman ko kanina sa CR. Noong una sumakit lang iyon tiyan ko hanggang sa mas sumakit at humapdi ito. Nahilo ako at nauntog pa sa sahig at patuloy ang pagsuka sa isang klase ng liquid na parang lasa ng pinaghalong gas at panis na pagkain. Parang tinunaw nito ang lahat ng aking kinain at sinadya akong pahirapan. At alam na alam ko kung sino siya, wala ng iba pang nagtangka sa aking buhay.
Matagal-tagal na din at ilang araw na ang nakaraan nang matuklasan ko ang isang bagay. Kakatapos lang ng duel ko at pagod na pagod at dismayadong dismayado ako. Natalo ako sa duel kayat nagmabilis akong pumunta sa kwarto at iniwan ko na lang si Gin sa combat unit na kasalukuyang sumasabak pa. Nang nasa malayo pa lamang ako, nakita ko ang isang babae, si Jatzen. Isa siya sa unang tinawag kayat malamang natapos na ang battle niya. Nakapagtataka lamang dahil nasa right chamber ang room niya at paano siya napunta sa isang room na malapit sa left intersection. Nasa middle chamber yung kwarto ko kayat its either sa left or right intersection ako dadaan. Left is quicker kaya ako dito dumaan. Hindi ako nagpatuloy sa middle corridor kundi ay sinundan ko si Jatzen.
Room 312Room 312? Hindi ba ito ang room ni Luna? Paano siya napunta dito? Nabalitaan ko kasi na nagpapahinga pa rin hanggang ngayon si Luna dahil malubha ang mga sugat niya dahil natalo din siya. Sa pagkakaalam ko, hindi nagpapapasok ng kahit kanino si Luna lalo na kay Jatzen na hindi naman niya lubusang kilala. Something's not right, nag-aalinlangan ako sa pagkatok. Mas mabuti siguro kung hindi na lang ako kakatok baka im being judgemental lang. When I was suppose to go back, nakita ko si Gin at bigla bigla na lang akong tumago sa isang corner malapit sa kwarto ni Luna. Hindi ko naiintindihan ang pagkilos ko but I stayed in my position. Habang naglalakad si Gin, bigla siyang napahinto.
"So Shia ano na ba talaga??"
Boses ni Luna yun ah!!
"Luna, Sigurado na ako. Siguradong sigurado na akong mas mahal ko si Lucas kesa kay Gin at handa akong iwanan si Gin para lamang makasama si Lucas."
What? Si Shia? Si Luna at si Shia ang nag-uusap pero paano? Paano nangyayari ang lahat ng ito?
Nabaling ang atensyon ko kay Gin na ngayong may mga luhang dumadaloy sa mukha niya. Nagmadali siyang umalis at tumakbo ako papunta sa kaniya. Nang hindi pa ako nakalayo, sinubukan ko siyang tawagin pero nang sisigaw pa lang ako, bigla akong hinila nang malakas papunta sa loob ng kwarto ni Luna. She slammed the door close.
"Jatzen what's going on?"
"Cain, huwag kang mag-aalala magiging okay rin ang lahat."
"Magiging okay ang lahat? eh umiiyak na nga si Gin eh at siguradong nasaktan yun. Teka lang? Huwag mong sabihin..."
"Cain mas mabuti pa ang manahimik na lang tayo para sa kabutihan ng lahat." Sabi niya habang papalapit sa akin.
"Huwag kang Lumapit. Sino ka ba Jatzen? Bakit mo ba ginagawa to?"
Nang akala kong sasagot siya ay bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at tinutok ang isang Lightning Gun sa leeg ko at bigla akong nakuryente.
Ang bilis ng electric current ay mabilis na dumadaloy sa katawan ko at wala akong magalaw. Napaluhod ako sa sahig and I cant feel my body. Its so numb and as I fight the grip, mas sumasakit ang daloy ng kuryente.
Ilang minuto rin ang lumipas ay nagalaw ko na ang mga kamay ko pero hindi ko parin magawang tumayo. Im panting at buhos nang buhos ang pawis ko.Jatzen kneeled and leveled to me.
"Cain alam mo naman sigurong kayang kaya ko talagang pahirapan ang iba mong kasama. Mas masakit pa sa dinadanas mo ngayon. Kayat para hindi ko sila saktan, tumahimik ka na lang." She tried to put on a kind sarcastic smile."Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng to?"
"Well, to answer your first question. Im trying to break Gin's heart for a reason. So, I immitated Luna and Shia's voice to hurt his feelings."
Oo nga pala, isang shape-shifter si Jatzen."Ba..bakit?"
"A reason you cant know and cant understand."
"Hindi ako natatakot sa yo. Wala kang kalaban laban sa amin. Mag-isa ka lang."
Tumawa siya "Ako mag-isa? Para malaman mo, may kaalyado ako sa itaas at pwede ko kayong ipapapatay kahit kailan. Kayat dapat mo akong katakutan at dapat mong itikom ang bunganga mo!!"
Tumayo siya and motioned towards the door. Before she turn the knob, she faced me once again.
"Tandaan mo ang sinabi ko, Cain."
At lumabas din siya.Ilang araw ko itong hindi ipinagsasabi kahit kanino. Ilang araw ko itong itinago sa sarili ko dahil sa takot. Ayaw kong may isa sa amin ang mapapahamak kayat tinikom ko ang bibig ko. Nang naghapunan kami kahapon, kami na lang ni Eethan at Victoria ang naiwan sa Dining Hall. Naguguluhan ako kung ito na ba ang tamang panahon para sabihin ko na sa kanila. Ayokong maglihim lalo na sa ganitong klaseng bagay.
"Eethan, Victoria, may dapat kayong malaman." Sabi ko sa mahinang boses.
"Ano?" Tanong ni Eethan. Hindi ako mabilis na nakasagot.
"Okay ka lang ba, Cain?" Tanong ni Victoria.
"May isa kasi sa atin na hindi natin dapat pinag..."
"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang bumungad ang mukha ni Jatzen. Tiningnan niya ako sa mata, threatening me.
"May sasabihin kasi si Cain eh." Sinagot ni Victoria.
"Ano yun Cain?" Tanong ni Jatzen. Napalunok ako at biglang lumapit ang isang babae sa amin. Nurse ata siya.
"Team Jacana right? Miss Shia Sheridan is being sent to the infirmary because of Combustion. I think you should come with me." Nag-alala kaming lahat kayat nabaling din kay Shia ang atensyon namin.
Alam kong si Jatzen ang naglason sa akin dahil natatakot siyang mabunyag ang totoong siya. Muntik ko nang masabi ngunit nangyari ang nangyari.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. "Good Morning, Mr. Cain. How are you feeling right now?"
"Masakit ang tiyan ko at nahihilo ako."
"Nasusuka?"
"Opo kaso walang akong naisusuka."
Pumunta siya sa monitor."Dont worry. All you need is some more rest. Pero huwag mong sobrahan ang pagpapahinga mo baka matuluyan ka." Tumawa siya.
Nagawa pa talaga niyang magbiro.She got an injection out of a box and injected it on me.
"Ano yan?" Matapos ang injection ay biglang naglaho ang mukha ng nurse at bumungad ang mukha ni Jatzen habang unti-unting pumikit ang mata ko.
"Mapapatahimik pa kita, mapapahina ko pa ang isa sa mga primary offenses ng Team Jacana. Matalino kasi ako at kayo ang pinagkakaisahan ko." Narinig kong sabi niya hanggang sa tuluyang pumikit ang mata ko.
A/N: Sobrang tagal na po since last update ko and to those who are still supporting my story, thank you po sa patience and itong chapter na to ay dedicated para sa inyong lahat. I hope na magugustuhan niyo to.
More Power! Stay Awesome! Stay Cool! Creating Our Own Legacy!READ VOTE COMMENT
BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Linus Cup(Titan Academy)
FantasiaFANFICTION | Part II - Titan Academy @april_avery | Inspired | Must Read | "I thought you were dead but Lucas Tyler, you are ALIVE." | {on going}