Shia Sheridan's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Jatzen ay lumabas na ako para hanapin si Gin. Bibigyan ko siya ng panahon para mag-isip pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na alamin kung anong ginagawa niya ngayon. May masama kasi akong pakiramdam at ayokong mapahamak si Gin.
Pinuntahan ko siya sa room niya kasi doon siya posibleng pumunta. Wala na akong balak maghapunan dahil sigurado akong kanina pa nagsisimula ang Dinner Hour.
Mabilis akong naglakad, halos tumakbo na nga ako sa pagmamadali. Lumagpas na ako sa Intersection Area ng dalawang Chambers at Main Hall at bigla ding napahinto. Binalikan ko ang Intersetion Area at tumingin sa napakalaking bintana. Tiningnan ko ang isang malaking Harden na napakagandang tingnan dahil sa dami ng ilaw nito. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa left part ng Harden kung saan matatagpuan ang isang Fountain.
Pinuntahan ko si Gin at pinagmasdan muna siya bago ko nilapitan.
"Huwag kang mag-alala, hindi to kagaya ng lake doon sa Titan Academy. Siguradong hindi rin ako malulunod dito."
I chuckled a bit sa sinabi ni Gin. Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o seryoso ba siya sa sinabi niya. Anyways, it makes sense.
"Gin ayaw mo bang mahanap natin si Lucas?? Natatakot ka ba gaya ng sinabi ni Jatzen??"
"Ano ba sa tingin mo??" sagot niya.
"Alam ko naman na hindi ka isang makasariling tao Gin. Alam mo naman diba kung gaano kahalaga si Lucas para sa akin at alam mo din naman kung gaano ka kaimportante sa akin??"
"Am I making things complicated Shia??" tanong ni Gin sa akin and this time ay humarap na siya sa akin.
"Gin"
"Napapagod na kasi akong palagi na lang may kahati sa lahat ng bagay. Nasasaktan ako Shia dahil noon, noong nasa Titan Academy pa lang tayo, si Lucas na lang ang palagi mong iniisip. Si Lucas ang dahilan kung bakit ka napunta doon at siya rin ang dahilan kung bakit ka nagsisikap na manalo sa Linus Cup."
"Gin...."
"Shia, tama nga si Jatzen. Minsan mo na siyang pinili kesa sa akin. Handa kang magpakamatay kasama siya kesa sa makasama ako dito sa labas ng Arena."
"Gin ginawa ko iyon dahil nakontento ako sa kaalamang mabubuhay ka. Inisip din kita sa mga panahong iyon Gin, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang samahan si Lucas sa kamatayan."
"Shia pinasaya mo ako. Pinasaya mo ako ng sobra sobra pero nagbago ang lahat ng iyon dahil sa panaginip mo. At ngayon, bumabalik na ang lahat sa dati. Si Lucas na naman ang palagi mong iniisip."
"Gin pwede ba....."
Hindi na ako nakapagtapos sa pagsasalita dahil nilapitan ako ni Gin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Hinalikan niya ako ng marahan at itinapat ang noo niya sa noo ko.
"Shia tingnan mo ako sa mata. Kung papipiliin ka, si Lucas o ako??"
"Gin pareho kayong mahalaga para sa akin...."
"Shia hindi naman kasi pwedeng ganoon." sabi niya habang umiiyak.
"Shia hindi pwedeng kaming dalawa kasi alam natin na palaging may lumalamang. May isang mas mahalaga Shia at siya yung pipiliin mo. Kayat sabihin mo na sa akin ngayon kung sino iyon!! Sino, si Lucas o ako??
Bumubuhos na rin ang mga luha ko ngayon kasi hindi ko na naiintindihan ang kinakaharap ko ngayon.
"Gin....."
Briiiiing Briiiing Briiiing Briiing Briiing Briiiing
Biglang tumunog nang malakas at pareho kaming nagulat ni Gin.
"Attention!! Students of Wysor Institute, This is an Emergency Request for you to Immediately Proceed to your corresponding rooms due to Unexpected Complications. Immediately Proceed to your corresponding rooms due to Unexpected Complications."
Gin sighed and looked at me. "I dont think its the right time to talk."
He started walking towards the building at sumunod na din ako. Ano kaya ang nangyari at bakit kami pinamamadaling bumalik sa mga rooms namin??
Nag-buzz na ang Alarm Clock/TV kaya im off to my Daily Early Morning Routine, ligo, suot damit etc. Magkasabay din ang buong grupong mag-breakfast ngayon. Awkwardness is in the air habang kumakain kami. Hindi kami magkakaroon ng klase ngayon kasi the first DUEL Activity will be done today. We will be given an hour to meet with our Partners (Autobots) kaya nagmadali akong pumunta sa isang room kung saan kami magkikita ni Jazz.
BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Linus Cup(Titan Academy)
FantasyFANFICTION | Part II - Titan Academy @april_avery | Inspired | Must Read | "I thought you were dead but Lucas Tyler, you are ALIVE." | {on going}