Victims and Runes

5.7K 162 126
                                    

Andaming nangyari this week. Muntik ng namatay si Jatzen dahil sa sobrang galit ni eethan. At hanggang ngayon, hindi pa nagsasalita si Gin sa akin. Tuwing nagtatraining kami, puro physical trainings lang ang ginagawa namin. Hindi na masyadong nag-uusap ang grupo and I think, were not united as a team. Ngayon pa sa lahat ng panahon. Kailangan namin ng bonding kahit sa maikling oras lang.


I decided to take a shower. I need some time for myself, I need to think and relax. Nakakstress din kasi tong week na to eh. Pagod na pagod ako in every aspect but most especially, in physical aspect. Maligamgam na tubig ang bumuhos sa aking buong katawan at pinilit kong mag-isip ng mapayapa. I almost feel relieved.


"Shia" pagdilat ko ng mga mata ko, si Lucas ang nadatnan ko. Magkatabi kami ngayon sa higaan.


"Lucas" mahina kong sabi while smiling. Masaya akong makita siyang mapayapa at hindi naghihirap ngayon. Alam kong panaginip lang to. Alam kong isa lang to sa mga pagpaparamdam niya.


Bumangon si Lucas mula sa pagkakahiga at humarap sa malaking bintana. " Ang ganda dito no? Walang Problema, walang kalungkutan. Para tayong nasa langit." Its true! I actually feel so comfortable and relaxed. I dont wanna wake up.


"Just look at the beauty of nature. Dahil sa ganda, gusto mo ng maging parte nito." sabi niya.


Nagtataka ako kung ano ang tinitingnan niya kayat bumangon ako at sinundan siya. Nakita ko sa malawak na kapatagan sa ibaba ang napakaraming makukulay na bulaklak at ang mga nagliliparang mga ibon at ang mapayapang langit sa itaas. I sighed in relief. Gusto ko ding maging parte ng kalikasan, gutso kong lumutang sa ere at gusto kong lumipad nang lumipad.


Lucas' smile caught me. Nakangisi siya habang tinatanaw ang kalikasan. Napakasaya niyang tingnan at ibang-iba siya sa Lucas na nakita ko sa mga nakaraang panaginip. Pumatak ang luha sa mga mata ko.


Lucas faced me and wiped my tears from my face. "Miss na miss na kita, Shia."

I hugged him tightly and said, "I miss you too, Lucas. I miss you so much."


"Bakit ka umiiyak?" tanong niya. "Ayokong makita kang nalulungkot."


"Hindi ako malungkot. In fact, ang saya saya ko nga dahil kapilling kita ngayon kahit sa panaginip lang. Masayang masaya ako dahil nakikita kitang masaya."


"Huwag kang sumuko. Ayusin mo ang dapat mong ayusin at mag-ingat ka sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan." bigla akong naguluhan sa pinagsasabi niya.


"Bakit Lucas? Bakit yan ang sinasabi mo?"


" Shia, baka mali ang akala mo. Baka hindi totoo ang inaakala mo. Baka mali ang tingin mo sa paligid."


"Lucas, nasaan ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Gusto ko na siyang mahanap, gusto ko nang masiguro na ligtas siya.


"Nandito lang ako palagi Shia. Nandito lang ako palagi sa tabi mo." he leaned towards me and whispered those words.


The Secret Behind The Linus Cup(Titan Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon